May 25, 2025
Pauleen Luna reminisces good memories with best friend Pia Wurtzbach
Home Page Slider Latest Articles

Pauleen Luna reminisces good memories with best friend Pia Wurtzbach

Dec 22, 2015

by PSR News Bureau

downloadBilang pagbati sa pagkakapanalo ng bestfriend niyang si Pia Wurtzbach sa katatapos lang na Miss Universe 2015, nag-post si Pauleen Luna sa kanyang Instagram account ng larawan nilang dalawa nung sila ay mga teenagers pa lang. May caption rin ito na nagpapaalala kung paano sila nangarap ng sabay ng kaibigan. Ani Pauleen sa kanyang heartwarming message kay Pia: “You were 12 and I was 13. We had nothing but BIG dreams.” Nagkuwento pa si Pauleen kung paano sila nagkasama ni Pia sa hirap at sabay na nagarap at nangako na magtatagumpay sila balang araw.

“Ipauleen-luna-pia-wurtzbach remember we would choose to buy food in Mini Stop instead of Brother’s Burgers in ABS because we only had little money. We would patiently go to workshop every single day because we wanna be big stars!…I will never forget those days. Simple and days made up of dreams.”

Idinagdag pa ni Pauleen na naging mabuti ang taong 2015 para sa kanilang dalawang matalik na magkaibigan. Siya ay naging engaged ngayon taon na ito kay pia and pauleenVic Sotto [na kanyang mapapangasawa sa darating na Enero 2016]. “And now, it’s so nice to know that we’ve both come so far. We’re both blessed, in our own way, and I must say, 2015 is both our year!”

Dating magkasama sa ABS-CBN sina Pauleen Luna at Pia Wurtzbach bilang mga talents noong panahong bago pa lang silang nag-aartista. Si Pauleen ay lumipat na sa GMA network bilang isa sa hosts ng noontime show na “Eat Bulaga” kung saan nito nakilala ang mapapangasawang beteranong komedyante na si Vic Sotto. Samantalang si Pia ay naiwan sa ABS-CBN bilang isang artista.

Leave a comment

Leave a Reply