![“We all liked Pia [Wurtzbach]. But I think she didn’t liked my brother [Pres. Noynoy Aquino] that much.” – Kris Aquino](https://www.psrph.com/wp-content/uploads/2015/12/kris-aquino-and-pia-123.jpg)
“We all liked Pia [Wurtzbach]. But I think she didn’t liked my brother [Pres. Noynoy Aquino] that much.” – Kris Aquino
by PSR News Bureau
Umariba na naming muli ang pagiging taklesa ni Kris Aquino matapos nitong sabihin na matagal na nilang gusto si Pia Wurtzbach, ang pangatlong Filipina na itinanghal bilang Miss Universe. Sinabi ng Queen of All Media na matagal na raw gusto nilang magkakapatid si Pia magmula nang makilala nila ito. Matatandaang napabalita dati na naging magka-date si Pia at ang kapatid nilang si Pangulong Noynoy Aquino bago pa man manalo si Pia bilang kinatawan ng Pilipinas para sa nasabing patimpalak ng pagandahan.
Bago pa tumulak si Pia papunta ng Las Vegas para sa kanyang laban sa Miss Universe, nakatanggap muna ang dalaga ng bouquet of flowers na may kalakip na personal na sulat kamay mula sa Pangulo bilang pagbibigay nito ng ‘good luck.’
Ikinuwento ni Pia sa isang panayam sa kanya sa Tonight With Boy Abunda bago siya umalis, “I couldn’t even wait to find out who it was from…So I opened it right away, and it’s there. It was handwritten as well.”
Masaya naman daw si Pia na makatanggap ng pumpon ng bulaklak mula sa Pangulo ng Pilipinas na sinasabing ‘most eligible bachelor’ ng bansa. “Magkaibigan lang kami, pero I really appreciate the thoughtfulness,” dagdag pa ng 26-year-old na si Pia.
“I didn’t even put it on Instagram or anything. Ang pagkakakilala kasi niya sa akin, I don’t really reveal much about him. I respect him that way. Whatever I know about him or whatever he knows about me, yun lang yun. It was such a sweet gesture though,” pakli ni Pia.
Kung kaya’t kung mayroon mang taong masasabing nanghihinayang sa naudlot na pagkakamabutihan sana sa pagitan nina Pia at Pangulong Noynoy matapos matigil ang pagdi-date ng dalawa, ito ay ang mga babaeng kapatid nito gaya ni Kris Aquino. Quoting Kris, “My sisters and I all liked Pia when we met her. But she probably didn’t liked my brother that much.”