May 24, 2025
Final answer: Comelec disqualifies Senator Grace Poe
Home Page Slider Latest Articles

Final answer: Comelec disqualifies Senator Grace Poe

Dec 23, 2015

by PSR News Bureau

grace poe 3Tuluyan nang ibinasura ng Commission on Elections [Comelec] ang certificate of candidacy ni Senador Grace Poe sa pagka-pangulo ng bansa para sa daring na halalan sa taong 2016.

Ngayong araw, December 23, ay inilabas na ng komisyon ang kanilang desisyon tungkol sa pagkakadiskwalipika ng mambabatas sa halalan.
Ipinagtibay na ng pitong commissioners ang naunang desisyon ng First and Second Division ng Comelec na mapawalang bias sa certificate of candidacy [COC] ni Poe dahil magpahanggang sa ngayon ay hindi pa rin napapatunayan nito na isa siyang natural-born Filipino at kulang umano ang senadora sa residency requirement para tumakbo sa pagkapangulo ng bansa.

Ayon sa isang naging panayam kay Comelec Commissioner Rowena Guanzon, bumoto na sila pero ayaw pa raw ilabas ang grace poe 5detalye kung ano ang naging proseso at napagkasunduan sa nasabing botohan. Dagdag pa niya na mabusisi nilang pinag-aralang maigi ang dalawang motion for reconsideration na isinumite ng kampo ni Poe matapos maibasura ang dalawang dibisyon ng Comelec ukol sa kanyang kandidatura.

Magkagayon man, hindi naman daw pinayagan ng komisyon na tuluyan ng tanggalin ang pangalan ni Poe sa balota na sisimulan nang i-encode sa computers ngayong araw. Inaasahang idudulog pa rin ng kampo ng senadora sa Supreme Court ang kanilang apela. Ngunit sa ngayon, ang pinal na kasagutan ng Comelec ay disqualified pa rin si Senadora Grace Poe.

Leave a comment

Leave a Reply