May 25, 2025
What is Maine Mendoza’s gift to Alden Richards for Christmas?
Home Page Slider Latest Articles

What is Maine Mendoza’s gift to Alden Richards for Christmas?

Dec 23, 2015

by PSR News Bureau

maine davaoNagbigay na ng kanyang regalo para sa kapaskuhan si Maine Mendoza sa katambal nitong si Alden Richards. Nang iniabot ni Maine kay Alden ang isang plastik na pitsel, kaagad na natawa ang ‘Pambansang Bae’ na si Alden. “Pitsel talaga? Tatak classy?!” sabay tawa ni Alden. Pero pagbukas naman ng naturang pitsel, kaagad tumambad kay Alden ang isang Ray-Ban shades at kaagad nitong isinuot.

Ayon kay Maine, nalaman daw kasi ng dalaga na nang minsang nag-mall show sila sa Cebu at tumuloy ng Davao ay nawala ang shades ni Alden. Kaya naman, kaagad na naghanap ng shades si Maine na halos kaparehas mismo ng nawalang shades ng aktor bilang pamalit. Hindi raw kasi mapakali si Alden kapag mayroon itong bagay na nawawala.

“Ah, kasi may pagka-OC [obsessive-compulsive] ako. Pag may nawala, gusto ko agad mapalitan. Akala ko talaga iniregalo niya sa akin pitsel, shades pala! Tapos yung ganun din ang style katulad nung nawala ko. Sobrang natuwa naman ako,” bulalas ni Alden.

maineAyon naman kay Maine, sinadya niya talagang ilagay muna sa isang plastik na pitsel yung shades na regalo niya kay Alden. “Naka-pack siya sa pitsel, para ma-disappoint muna siya.”

Si Alden naman ay naghahanap pa raw ng maireregalo kay Maine. “Kahit wala na, presensiya mo lang, okay na sa akin,” hirit ni Maine.

Aminado ang dalawa na bagamat close na talaga sila sa tunay na buhay, wala pa sila sa puntong gusto nilang ma-level up ang kanilang samahan sa isang tunay na relasyon. “Hindi na kami naiilang sa isa’t-isa. Sobrang komportable na namin. Nae-enjoy namin yung trabaho namin, ganun din yung company ng isa’t-isa. Sana walang magbago sa friendship namin. Yung comfort level po, nabasag na yung dating walls sa pagitan namin. Wala na kaming inhibitions.”

Ang hiling lang nila, sana magkaroon sila ng pagkakataong lumabas ng hindi trabaho.

alden and piaNagpapasalamat rin sila na malaki ang naitulong ng AlDub Nations para maipanalo ni Miss Universe Pia Wurtzbach ang kanyang korona. Matatandaang humingi ng suporta si Pia sa kanilang fans para sa online voting at social media campaign. Hindi naman binigo ang dalaga ng fans nina Alden at Maine. Nagpasalamat na rin ang dalawa sa naitulong ng fans para manalo si Pia. Binati na rin parehas nina Maine at Alden si Pia sa pagkapanalo nito. “Congratulations Pia. Kumbaga, hindi lang naman karangalan ni Pia ang pag-uwi ng title ng Miss Universe. It’s something all Filipinos should be proud of.

Leave a comment

Leave a Reply