
Iza Calzado tells fans to stop the hate; congratulates Maine Mendoza for winning MMFF 2015 Best Supporting Actress
by PSR News Bureau
Napakaisport naman pala ng award-winning actress na si Iza Calzado. Pinakikiusapan niya ang fans na tigilan ang hate tweets at pamba-bash sa baguhang si Maine ‘Yaya Dub’ Mendoza matapos manalo ng huli laban sa una sa kategoryang Best Supporting Actress para sa katatapos pa lamang na Metro Manila Film Festival 2015 Gabi ng Parangal.
Ayon mismo kay Iza, “I’m so happy for Maine. This is her very first film yet she’s able to prove that she can act. This is such a good start for her acting career,” bulalas pa ng aktres. Inamin din nito na matagal na siyang fan ngAlDub dahil nanonood din ito ng Kalyeserye kapag may panahon din lang si Iza. Kaya’t hindi na nakapagtataka pa na maging masaya ang aktres para kay Maine. “Lahat naman ng artista dumaan sa pagiging isang newcomer. Suwerte pa nga si Maine kasi umpisa pa lang ng kanyang career, bongga agad kasi nga may award agad! Hindi lahat ng baguhan nabibigyan ng ganyang pagkakataon. Naniniwala naman ako na deserving si Maine sa naturang pagkilala,” pakli ni Iza.
Nakalaban ni Maine sa kategoryang Best Supporting Actress sina Iza at ang beteranang aktres na si Nova Villa. Si Iza ay bahagi ng cast ng The Haunted Mansion kung saan kabituin nito sina Janella Salvador, Marlo Mortel at Jerome Ponce.
Mula sa Philippine Showbiz Republic (PSR.ph), congratulations Maine!