
Ken Chan remains unaffected by ‘gay’ issue; wows audiences for his portrayal as transgender in “Destiny Rose”
by Rommel Place
Ang husay-husay ni Ken Chan sa “Destiny Rose,” ang seryeng pinagbibidahan niya. Ang boses niya ay para talagang boses ng isang babae at kung kumilos siya ay para rin sa isang babae, huh! At ang ganda-ganda niya pag naka-ayos babae na siya.
Dahil sa nagagampanan niyang mabuti ang kanyang role, kaya’t iniintriga ulit si Ken ng kanyang detractors. Binuhay nila ulit ang isyu na bading si Ken. Sinasabi nila na yun naman daw talaga siya, na hindi siya umaarte lang. Ang mga detractos talaga ni Ken, ayaw pa siyang tigilan. Basta kami, naniniwala kami na tunay na lalaki si Ken at hindi talaga siya bading.
Arjo Atayde enjoys playing a villain in “Ang Probinsiyano”
Sa top-rating series ng ABS-CBN 2 na “Ang Probinsiyano” na pinagbibidahan ni Coco Martin ay gumaganap dito si Arjo Atayde bilang kontrabida na ayon sa aktor ay nag-i-enjoy naman daw siya sa karakter niyang ito.
“Super saya. Palaging may bagong nangyayari, e Different situation, different attacks. Each and every person is different, ”sabi ni Arjo sa panayam ng Philippine Showbiz Republic (PSR.ph) sa kanya.
Kahit nagbibida na rin ang binata ni Sylvia Sanchez sa mga serye ay pumayag siyang gumanap na kontrabida sa “Ang Probinsiyano.” At tama lang pala ang naging desisyon niyang ito dahil kontrabida man siya sa nasabing serye ay bidang-bida naman ang tingin sa kanya ng kanilang televiewers, isa na kami roon, dahil napakahusay niya at talagang effective siya sa kanyang role.
Martin Venegas’ New Year’s wish and resolution