
Sharon Cuneta’s sprawling California mansion now for sale at $2.2 million
by PSR News Bureau
Marami ang nagulantang nang malamang na up for sale na pala ang napakaganda at sprawling mansion sa Calabasas, California ni Megastar Sharon Cuneta. Ayon sa realtor.com, humigit-kumulang na $2.2 million ang selling price ng naturang 6-bedroom mansion ni Sharon. Kapag converted ito sa Philippine peso, tinatayang lalagpas ito ng mga Php90 million.
Ang naturang mansion ay isang maituturing na Mountain View Estate at best value na mayroong grand entry with ceiling details, iron staircase at chandelier. Mayroon din itong custom library with French doors at built in immaculate white ang kulay nito. May gourmet kitchen na may kasamang maple cabinets, center island, breakfast bar, walk in pantry at spcious breakfast room. Elegante rin ang living room nito with butler’s pantry. May fireplace at custom window coverings. May 2 ensuite bedrooms pa sa first floor nito. May BBQ center, swimming pool at spa with cascading waterfalls sa gitna ng isang lush landscaping.
Ayon sa ilang ulat, binili ito ng Megastar noon dahil sa kagustuhan nitong sa Amerika na manirahan kapag naisipan nitong magretiro na sa showbiz. Kaarawan ngayon ng Megastar January 6. Isa lang ito sa maraming properties na naipundar ni Sharon sa kanyang pagiging singer at artista.
Hindi pa malinaw sa ngayon kung tuluyan nang isinantabi ni Sharon ang kagustuhang mag-retiro sa Amerika sa pagbebenta ng isa sa kanyang mga ari-arian. Mula sa Philippine Showbiz Republic (PSR.ph), Happy Birthday Sharon!