May 23, 2025
“Beauty and the Bestie” takes number 1 spot in MMFF box-office hits
Home Page Slider Latest Articles MMFF

“Beauty and the Bestie” takes number 1 spot in MMFF box-office hits

Jan 6, 2016

by PSR News Bureau

beauty and bestieOpisyal nang sinabi ng pamunuan ng MMDA na siyang nag-organisa ng taunang Metro Manila Film Festival [MMFF] na nangunguna na sa ranking at number one sa takilya ng mga pelikulang kalahok ang Beauty and the Bestie nina Coco Martin at Vice Ganda ng Star Cinema at Viva Films.

Hindi na nagulat ang Philippine Showbiz Republic (PSR.ph) nang idineklarang naungusan na nito ang dating number one sa takilya na “My Bebe Love.” Una kasi napanood din namin mismo ang nasabing pelikula, in fairness, nakakaaliw siya at kahit sabihin pang luma na ang pinakakwento ng pelikula, iba talaga ang hatak ng mga walang ka-effort effort na jokes nina Vice at maging ng mga kasama niyang komedyante na galing sa standup comedy bars. Napaka-natural kasi nang kanilang mga naging palitan ng dialogues sa pelikula. Bukod dito siyempre ay hindi rin matatawaran ang fan base ng JaDine loveteam nina James Reid at Nadine Lustre na siyang nagbigay ng pagpapakilig sa pelikula. Si Coco, ang ‘yumminess’ nito na maganda ang rehistro sa screen ay isa pang hindi puwedeng mabalewala. Naniniwala ang Philippine Showbiz Republic (PSR.ph) na lahat sila ay malaki ang naging papel para sa tagumpay ng movie.

beauty and bestie 3Proven din naman ang box-office record maging ng direktor nilang si Wenn Deremas. In fact, mas na-enjoy pa nga namin itong “Beauty and the Bestie” kung ikukumpara sa “The Amazing Praybeyt Benjamin” noong nakaraang taon na feeling namin ay sinayang namin ang pera namin. Dito sa “Beauty and the Bestie,” nag-enjoy naman kami at natawa sa maraming jokes bagamat may ilang nakakabagot din na eksena at masasabi naming predictable ang pelikula. Pero overall, hindi ka naman manghihinayang sa pera mo pag pinanood mo ito. Entertaining din kasi ang pelikula at siguradong matatawa ka naman sa kanila maging kay Coco Martin na kilala bilang isang dramatic actor. Abangan mo rin ang pag-twerk ng aktor, magaling din palang sumayaw ang aktor.

Leave a comment

Leave a Reply