May 23, 2025
Aces tops Batang Pier on Game 2 100-76
Sports

Aces tops Batang Pier on Game 2 100-76

Jan 7, 2016

by Justin P

imagesNoong Enero 6, sa ganap na alas siete ng gabi nang harapin ng koponan ng GlobalPort Batang Pier ang Alaska Aces. Ayaw nang maulit ni Alex Compton ang nangyari noong game 1 kung saan tinambakan sila ng 14-puntos ng Batang Pier na kung saan naka puntos ng season high si Terrence Romeo ng 41-points.

Ang nag-step up sa Alaska ay ang kanilang tatlong key guards na sina Chris Banchero, Rj Jazul at si Jv Casio, na kapag pinagsama ang kanilang puntos ay 48-points.

“I hope every single team in the playoffs we can hold to 32 points (in the second half). The story of (today’s) game was that we had more defensive energy,” sabi ni Compton.

abueva

Nagkaron ng insidente bago matapos ang 1st quarter kung saan nakatanggap ng technical fouls ang 8 players ng Alaska at coaching staff at 5 naman sa GlobalPort.

Nagkabungguan si Semerad at Hontiveros at natumba. Habang kasulukuyang itinatayo ni Abeuva si Hontiveros at ni Washington si Semerad ay hinawi naman ni Abueva si Semerad at itinulak ni Washington si Abueva at lima mula sa koponan ng GlobalPort ay nakisali pa sa nangyaring gulo.

alex-compton-010616

“Publicly, I would like to apologize to the commissioner,” pakli ni Compton sa insidenteng nangyari. “We (members of his staff) were just trying to separate the players.”

Ayon sa statistician na si Fidel Mangonon, ang pinakamadaming technical fouls sa isang laro ay 16 at iyon ay laban ng Alaska kontra Shell noong 1997 Governor’s Cup.

Natapos ang laro ng 100-76, 1-1.

The scores:
ALASKA 100—Banchero 18, Jazul 17, Casio 13, Abueva 11, Thoss 10, Baguio 8, Dela Rosa 7, Manuel 6, Exciminiano 4, Hontiveros 3, Baclao 2, Menk 1, Dela Cruz 0.

GLOBALPORT 76—Pringle 22, Romeo 20, Yeo 11, Washington 10, Semerad 5, Hayes 2, Maierhofer 2, Mamaril 2, Jensen 1, Uyloan 1, Isip 0, Kramer 0, Peña 0, Sumang 0.
Quarters: 18-18, 47-44, 75-60, 100-76

Leave a comment

Leave a Reply