May 23, 2025
Ryza Cenon admits budding romance with Chef Tristan Encarnacion
Faces and Places Latest Articles

Ryza Cenon admits budding romance with Chef Tristan Encarnacion

Jan 7, 2016

by PSR News Bureau

ryzaHayagan nang ipinapakita ng Kapuso actress na si Ryza Cenon ang relasyon nila ng celebrity Chef na si Tristan Encarnacion, anak ng yumaong beauty expert na si Jun Encarnacion. Nag-post si Ryza kamakailan lang ng larawan nila ni Tristan sa kanyang Facebook account. Mayroon din itong kalakip na caption: “My friend, my best friend, my mentor, my enemy, my brother, my bodyguard, my chef and my one and only love. Thank you for knowing when to set me straight and for telling me when you think I’m wrong.”

“Thank you also for being vulnerable and open to me. I know as a man that can be very difficult to do, but it’s developed a closeness that I value each moment I spend with you. Love you, hon.”

Ayon kay Ryza, nagkakilala sila ni Tristan dahil sa kanyang tiyahin na kaibigan nito. Bukod dito ay nag-undergo rin si Ryza ng isang culinary workshop sa ilalim mismo ni Tristan. Nag-aral siya ng Italian cuisine ng halos isang lingo lang. “Matagal na kaming magkakilala ni Tristan, pero hi-hello lang.”

ryza 2Bago pa lang daw ang relasyon nila ni Tristan. Pero aminado ang dalagang maraming katangian si Tristan ang kanyang nagustuhan. “Sobrang haba ng pasensiya niya at saka real gentleman, napakabait. Parang version ko yung ugali niya.”

Ganun din naman si Tristan kay Ryza. Sabi naman ni Tristan, “What I like about her [Ryza] she made me closer to God, made my life worth living. Basically everything about her that made me love her and loving her more and more each day.”

Seryosohang relasyon daw parehas ang gusto nila. Kung kaya’t hindi na nakapagtataka kung napag-uusapan na rin nila ang kasal kahit bago pa lang ang relasyon ng dalawa. “Parehas naman na rin kasi kaming nasa marrying age ika nga. I really hope he’s the One kasi I’m getting older na rin eh,” sabi ni Ryza.

Leave a comment

Leave a Reply