May 24, 2025
Master Showman German Moreno passes away at 82
Home Page Slider Latest Articles

Master Showman German Moreno passes away at 82

Jan 8, 2016

by PSR News Bureau

german_morenoNagimbal ang industriya ng showbiz ngayong umaga, January 8, nang pumanaw ang isa na namang haligi ng showbiz na si Master Showman “Kuya Germs” Moreno sa edad na 82. Pumanaw si Kuya Germs bandang 3:20ng umaga ngayong araw ng Biyernes.

Nauna nang nagkaroon ng stroke si Kuya Germs noong January ng 2015 kung saan matagal itong na-confine sa hospital. Sa kabila ng kanyang naging karamdaman ay muling bumalik sa kanyang pagho-host si Kuya Germs ng buwan ng June 2015.  Pumanaw si Kuya Germs dahil sa cardiac arrest. Nagpadala ng opisyal na statement si John Nite, pamangkin ng kilalang celebrity star builder at co-host niya sa show ng GMA 7 na “Walang Tulugan with Master Showman” sa GMA News Online.

Narito ang ilang bahagi ng statement: “He passed on in the company of his family and friends. He lived a full life, touched so many hearts through the years, and helped make dreams come true for most of the biggest stars in the Philippine entertainment industry.”

german“We are deeply saddened by his passing but we are comforted by the thought that his legacy will live on,” dagdag pa ni John Nite.

Nakilala si Kuya Germs bilang isang master star builder ng sikat na sikat na youth oriented show noong dekada 80’s na “That’s Entertainment,” isang pang araw-araw na TV show para mahasa ang talento ng mga nagnanais sumikat at magkapangalan sa showbiz. Ilan sa mga nakilalang “graduates” ng naturang show ay sina Lea Salonga, Manilyn Reynes, Gladys Reyes, Sheryl Cruz, Judy Ann Santos, Billy Crawford, Donna Cruz, at marami pang iba.

Si Kuya Germs din ang nasa likod ng proyektong “Walk of fame” na matatagpuan sa Eastwood, Quezon City kung saan taon-taon ay binibigyan niya ng parangal ang mga artista at ilang piling personalidad na nagkapangalan at kinilala sa industriya. Ito ang counterpart ng “Walk of Fame” sa Hollywood.

german 2Nagsimula si Kuya Germs bilang isang utility worker or janitor sa isang dating sikat na sinehan noong araw, ang Clover Theater sa Maynila noong 1950’s. Matapos noon ay lumabas na siya sa pinilakang tabing at nakilala bilang isang artista.

Taong 20113 nang ipinagdiwang ni Kuya Germs ang kanyang ika-50 taon sa  industriya ng showbiz.

Mula sa Philippine Showbiz Republic (PSR.ph), taos-puso ang aming pakikiramay sa mga naulila at naiwanang pamilya ni Kuya Germs.

Leave a comment

Leave a Reply