
Aiza Seguerra and partner Liza Dino slams bashers on their desire to undergo IVF
by PSR News Bureau
Kawawa naman ang mag-asawang Aiza Seguerra at Liza Dino dahil marami silang natatanggap na panghuhusga mula sa ating mga kababayan online. Dahil sa kanilang pagnanais na magkaroon ng sariling anak sa pamamagitan ng IVF [in vitro fertilization] kung kaya’t kaliwa’t-kanan ang natatanggap nilang pambabash online ng mga netizens. Ang iba ngang komento ay grabe na at below the belt. May ilan pa nga na nagsasabing gusto nilang ‘tirahin’ si Liza para lang magkaanak muli ito.
Sa personal na Facebook account ni Liza, sinabi nito ang mga hinanakit niya sa mga nababasa nito online na komento ng mga netizens. Aniya: “Tao lang ako at oo, binabasa ko ang mga comments ninyo. Dati, umiiyak ako, lalo na pag below the belt na ang mga sinasabi. Pero napansin ko today, hindi na’ko masyadong affected. Masakit pa rin pero mas natutuwa ako sa mga sinasabi nila”
“January 8 ang first wedding anniversary namin ni Aiza bilang mag-asawa dito sa Pilipinas. Maraming nangyari at marami rin kaming pinagdaanang mag-asawa para sa hangarin naming mamuhay ng normal katulad ng iba. I have evolved and matured as a human being, Mas naging compassionate ako at bukas sa pananaw ng iba.”
“Natuto akong maging assertive kesa maging defensive pagdating sa mga ganitong usapin. But at the same time, mas lalo kong nakita ang kahalagahan ng ginawa namin para kilalanin ang karapatan ng LGBT dito sa Pilipinas. Nakaklungkot isipin how “religion” can lead to hatred, animosity and discrimination when our spirituality is supposed to enhance our lives and make us better persons.”
Bilang pagwawakas, binanggit din ni Liza na “2016 na. Walang mawawala sa’yo kung rerespetuhin mo ang karapatan ng bawat isa. #respect #outandproud.”