May 23, 2025
Home Page Slider Latest Articles

Judy Ann Santos gives birth to baby Luna

Jan 11, 2016

by PSR News Bureau

1029judy-clipNakapanganank na ang Young Superstar na si Judy Ann Santos-Agoncillo sa kanilang bunso noong Biyernes, January 8 ng isang baby girl na pinangalanan nilang Juana Luisa o Luna for short. Kinailangan pa nga ni Ryan Agoncillo, ang asawa ng aktres na umalis kaagad sa noontime TV show nitong ‘Eat Bulaga’ upang tumakbo sa tabi ng kanyang asawa nang malaman nitong manganganak na si Juday.

Si Luna ang ikatlong anak ng mag-asawa. Ang una nilang anak ay ang adopted child nilang si Yohan at ang ikalawa ay ang anak nilang si Lucho. Hindi raw iniwanan ni Ryan ang kabiyak hanggang sa maluwalhati nitong nailuwal ang sanggol. Matapos ngang makapanganak ni Juday ay kaagad na nag-post si Ryan ng ‘success’ sa personal na Instagram account nito.

Matagal na raw pinaghandaan ng mag-asawang Agoncillo ang pagdating ni Luna sa buhay nila. Buwan ng Hunyo nang mag-anunsiyo si Juday na buntis siya sa ikalawang pagkakataon noong nakaraang taon. Masaya naman sina Yohan at Lucho sa pagdating ng bagong baby sa buhay nila.

Mula sa Philippine Showbiz Republic (PSR.ph), congratulations kina Juday at Ryan Agoncillo!

agoncillo-family-16

 

Leave a comment

Leave a Reply