
Star Cinema strikes back against Ai-Ai delas Alas’ claim over MMFF box-office issue
by PSR News Bureau
Natapos na ang taunang Metro Manila Film Festival (MMFF) 2015, pero ang mga intriga ay tila hindi pa rin natatapos. Mainit pa rin ang usapin tungkol sa kung anong pelikula ang nanguna sa takilya. Magmula kasi nang magsimula hanggang sa matapos ang filmfest ay hindi naglabas ng opisyal ng ranking ang pamunuan ng MMFF kung kaya’t hindi malaman ng husto kung ano saw along pelikulang
naglaban-laban ang siyang pinaka pumatok sa box office.
Kaya naman, kanya-kanya ng claim ang mga film entries na sila umano ang nangunguna. Sa Instagram posts ng Star Cinema, sinasabi nito na ang pelikula nilang Beauty and the Bestie nina Vice Ganda at Coco Martin anf siyang nag-number 1 at umabot umano na sa P400 milyon ang kinita nito.
Umalma si Comedy Queen Ai Ai Delas Alas na bahagi naman ng pelikulang My Bebe Love #KiligPaMore na sinasabing sila ang number 1 lalo’t higit dahil nasa kanila ang phenomenal na pagsuporta ng fans ng AlDub na kung tawagin ay AlDub Nation. May pasaring pa ang komedyana na sinasabing may ‘pandaraya’ umano sa nasabing pagke-claim.
Ipinagtanggol ito ng representative ng Star Cinema. Ayon sa Twitter account ng AdProm manager ng Star Cinema, hindi man tuwirang binanggit nito ang pangalan ng komedyana pero tila nagpasaring rin ito sa kanyang mga tinuran:
“Tigilan na ‘yang pagiging bitter.
“E, di sabihin sa MMFF to release the rankings. Plain and simple.
“Tigilan ang speculations ng dayaan. Lakas maka-bobo ng approach.
“At the end of the day, just create content that the audience need. Tapos.
“Ang sad na napunta na sa bitching ang labanan. Labo.
“Tigilan ang pagbibintang sa Star Cinema.
“Taun-taon kasali kami sa MMFF, ngayon daming binabato sa kumpanya.
“Ano nga bang nag-iba this year? Sa Star ba may nag-iba?”
Diin pa niya, “STAR CINEMA’S VALUES ARE INTACT.
“Honesty and integrity are on top of the list.
“And lahat ng nasa kumpanya, at lahat ng galing sa kumpanya, alam ‘yan.
“And yes, KARMA’s a bitch.
“Never nag-promote or nag-market ang kumpanya namin na kinailangang manira ng kalaban.
“Naniniwala kami na produkto mo ang magsasalita para sa ‘yo.
“Alam ‘yan ng lahat ng taga-rito or GALING dito.
“Never kaming may sinabi about competition because we always believe that competition also has something to offer to the market.”
Pahayag pa nito, “I challenge the MMFF committee to release ranking with gross.
“Tapos dun magsalita. Kapag may basis.
“Wag kasing emotional kapag nagsasalita, paganahin din ang utak.”