May 23, 2025
Lea Salonga will be appearing on the hit U.S. sitcom “Crazy Ex Girlfriend”
Home Page Slider Latest Articles

Lea Salonga will be appearing on the hit U.S. sitcom “Crazy Ex Girlfriend”

Jan 12, 2016

by PSR News Bureau

lea 1

Inanunsiyo ni Broadway international star Lea Salonga sa kanyang Twitter account noong Lunes, January 11, na magiging guest siya sa season finale ng hit TV sitcom sa Amerika na “Crazy Ex Girlfriend.” Narito ang ibinahagi ni Lea: I guess the news is out!!! I’ll be appearing on the season finale of @CW_CrazyXGF! And
singing, too! How fun is that?!”

Ang naturang show ay pinagbibidahan ni Rachel Bloom bilang si Rebecca na piniling lisanin ang kanyang buhay sa New York para subukan ang kakaiba at nakahihibang na adventure sa paghahanap niya ng tunay na pag-ibig. Ito ay napapanood sa CW network. Isa itong musical comedy series kung kaya’t inaasahan na await dito ang magaling na Filipina Broadway star na kasalukuyang lumalabas sa musical play na “Allegiance.”

Sa isang panayam kay Bloom ng Entertainment Weekly pagkatapos niyang manalo bilang Golden Globe Best Actress, nabanggit ng aktres kung gaano kahalaga ang papel na gagampanan ni Lea Salonga sa nasabing palabas. “One of the characters [played by Vincent Rodriguez III] happens to be Filipino so when we realized no one else had even made the effort to show a Filipino family on an American comedy, it taught me a lot about Filipino culture,” sabi ni Bloom. “It also taught me really about how important diversity is, if you want to tell a new story.”

lea

Leave a comment

Leave a Reply