Heart Evangelista has an upcoming painting exhibit
Kahit na mag-asawa na sila ngayon, hindi maingay ang kampo nina Heart Evangelista at Senador Francis ‘Chiz’ Escudero gayong tumatakbo ang huli bilang bise-presidente sa darating na halalan. “Unlike other candidates, we don’t believe in spending as much in political ads,” bungad ni Heart sa Philippine Showbiz Republic (PSR.ph).
Taliwas sa inaasahan ng iba, hindi gumagastos ang dalawa para sa political ads. “Yung iba kasi milyon-milyon kung gumastos. Kami hindi namin nakikita na kailangan yun,” hirit pa ni Sen. Chiz. Napatunayan na ni Chiz na hindi naman kailangan pang umepal at gumamit ng anumang sponsors para sa kanyang kandidatura. Nananatiling matatag naman ang pangalan niya sa mga surveys.
Proud na proud si Sen. Chiz sa kanyang kabiyak lalo pa’t may nalalapit na naman itong painting exhibit. Ito ang isang bagay na pinagtutuunan ng pansin ni Heart bukod sa pagsuporta niya sa kandidatura ng asawa.
Magkakaroon si Heart ng isang panibagong painting exhibit sa darating na January 30 na gaganapin sa Ayala Museum Open Space na may temang “Ocean’s Apart.” Ani Sen. Chiz, hindi niya hahadlangan si Heart na gawin ang lahat ng gusto nitong gawin. Pangako niyang nakasuporta siya sa kabiyak tulad ng pagsuporta nito sa kanya. “Whatever makes her happy, I’d be willing to support her in every endeavour she wants,” pagtatapos pa ni Sen. Chiz.