May 24, 2025
Faces and Places Latest Articles Movies

Angel Locsin is still the perfect choice for ‘Darna’

Jan 14, 2016

erikmattiMarami sa nakapanood ng ‘Beauty and the Bestie’ ng Star Cinema at Viva Films nitong nakaraang Metro Manila Film Festival [MMFF] ang nagkaroon ng pagkakataong mapanood ang video teaser ng pelikulang ‘Darna’ kung saan hindi pa ipinakikilala ang gaganap dito. Sa nasabing teaser ng pelikula, makikita na si ‘Darna’ ay naka-hood na senyales na hindi pa siya maaaring ipakilala sa ngayon pero napakinggan na ang boses nito. Ayon sa pamunuan ng ABS-CBN, nakapamili na sila ng magiging ‘Darna.’ Naghihintay na lang sila ng tamang panahon kung saan maaari na nilang sabihin kung sino ang magiging bagong ‘Darna’ sa pelikulang inaabangan ngayong 2016.

liza-soberano1

Taliwas sa inaasahan ng iba at nang ibang naunang balita, hindi daw si Liza Soberano ang gaganap bilang ‘Darna.’ Ayon sa aming insider, hindi ito kakayanin ng batang aktres. Magiging ‘madugo’ kasi ang paghahanda para sa papel ni Darna/Narda. Dahil mayroong teleserye na ginagawa na si Liza, ang Dolce Amore kasama si Enrique Gil kaya’t malabong ibigay sa kanya ang naturang papel. Maliban dito, hindi daw bagay ang naturang papel kay Liza dahil masyado itong tisay at si Darna ay sadyang Pinay ang kagandahan.

Sa ginanap na survey, bukod tanging si Angel Locsin pa rin ang numero unong gusto ng sambayanang Pilipino. May nakapagsabi sa amin na si Angel Locsin pa rin naman daw ang magiging ‘Darna.’ Siya pa rin ang gaganap ng naturang papel na kanyang muling pinasikat noon sa TV. Kasalukuyang nagpapagamot pa si Angel at naga-undergo ng therapy. Mas magiging maingat na lang daw ang aktres sa kanyang mga ‘fight scenes’ upang hindi ito mahirapan sa kanyang iniindang sakit sa likuran. Tingnan na lang natin kung si Angel pa rin ang gaganap na Darna. Kapag nagkataon, siguradong magbubunyi na naman ang fans ni Angel.

Leave a comment

Leave a Reply