It’s confirmed: John Lloyd Cruz’s film ‘Honor Thy Father’ and director Erik Matti vindicated with MMFF Committee issue
Napatunayan kamakailan lang na ‘vindicated’ ang pelikula ng magaling na aktor na si John Lloyd Cruz at obra ni direktor Erik Matti na “Honor Thy Father” sa isyu kaugnay ng pagkakadiskuwalipika nito bilang ‘Best Picture’ sa katatapos lang na Metro Manila Film Festival [MMFF]. Matatandaang nagsampa ng reklamo ang grupo ni Direk Erik, John Lloyd at movie producer Dondon Monteverde laban sa pamunuan ng MMFF.
Sa naging imbestigasyon na ginawa ng kongreso, nalaman na may ilang irregularities na talagang nangyari. Nilabag daw nito ang probisyong nagbabawal sa isang MMFF official na magkaroon ng ugnayan sa isang MMFF participant upang maiwasan ang ‘conflict of interest.’
Dahilan nga dito kung kaya’t sa tulong ni Rep. Dan Fernandez [na dati ring bahagi ng mundo ng showbiz bilang isang artista], binuwag na ng tuluyan ang kasalukuyang MMFF executive committee. Nagpasya kasi ang lahat base sa batas na R.A. 9167 na muling bumuo ng isang bagong technical working group para sa magaganap na MMFF kasalukuyang taon.
Kaugnay nito, nag-retweet si direk Erik Matti sa kanyang personal na Twitter account na @erikmatti ng isang tweet mula sa isang @ImoiraL kung saan sinasabing: “Vindication. Salamat Congress!”
Sa lahat ng nangyaring ito, hangad ng Philippine Showbiz Republic [PSR.ph] na mas maging maayos at mas matagumpay ang MMFF sa taong 2016.