June 6, 2025
Gov. Vilma Santos-Recto and Angel Locsin defends Xian Lim from his detractors
Faces and Places Latest Articles

Gov. Vilma Santos-Recto and Angel Locsin defends Xian Lim from his detractors

Jan 19, 2016

Rommel_Placente

by Rommel Placente

Sa presscon ng pelikulang “Everything About Her” mula sa Star Cinema na pinagbibidahan ni Gov. Vilma Santos ay sinabi niya na may labing-dalawang tabloids siya sa kanilang bahay araw-araw. Kaya naman alam daw niya ang sinusulat ng mga press tungkol sa kanya at sa balitang showbiz. Kaya alam din niya ang mga puna sa akting ng gumaganap na anak niya sa pelikula na si Xian Lim na sinasabi ng mga detractors nito na hindi ito marunong umarte. Pero ayon sa award-winning actress,”Nasasaktan ako kapag may naririnig akong negative tungkol kay Xian. I was trying to observe him kasi hindi ko pa alam ang approach sa kanya. Story conference pa lang, he is such an educated person. Napaka-edukado. Nasasaktan rin ako. Binabantayan ko siya kasi magka-eksena kami. May mga negative na writeup, ‘Si Xian bakit siya nakasali sa movie?’ My God, after ninyong mapanood ang movie, ipagmamalaki ninyo si Xian Lim,” pagmamalaki ni Gov. Vi. Ibig sabihin ni ate Vi ay mahusay sa kanilang pelikula ang ka-loveteam ni Kim Chiu.

Vilma-Santos-Angel-Locsin

Sinegundahan naman ni Angel Locsin, na co-star ng dalawa sa EVH ang sinabing ito ni ate Vi kay Xian. Ayon kay Angel kapag napalabas na raw ang pelikula ay ipanood daw ito ni Xian sa mga bashers niya dahil magaling daw talaga siya rito.
Sa mga papuring natanggap ni Xian mula kina ate Vi at Angel ay naging emotional ito. Napayak ito habang nagsasalita. Sabi niya,”Nagpapasalamat ako sa Star Cinema for giving me the chance to give it everything I’ ve got. Nagpapasalamat ako kay Direk Joyce (Bernal) for giving me trust. Hindi lahat naniniwala sa akin. Nung kasagsagan ng issue, to everyone, sa lahat ng press, nagpapasalamat po ako kasi sa inyo po ako humuhugot ng lakas.”


Phenomenal Star Vice Ganda thanks the movie press

vice-ganda1Pagkatapos naming dumalo sa presscon ng “Everything About Her” ay dumirecho naman kami sa thanksgiving party na binigay ni Vice Ganda sa mga kaibigan niya sa entertainment press na sumusuporta at nagmamahal sa kanya na nagtatanggol sa kanya kapag tinitira siya ng mga detractors niya at kasakasama niya kapag down na down siya. Ganoon na lang ang pasasalamat niya sa mga ito na itinuturing niya raw ‘salompas’ kapag masakit ang kanyang katawan.
Sa thanksgiving party na ‘yun ni Vice ay binanggit niya rin na may naka-line up na siyang dalawang pelikulang gagawin sa Star Cinema after “Beauty and The Bestie.” Ang isa raw rito ay pagsasamahan/ pagbibidahan nila ni Daniel Padilla.


John Lapus admits fantasizing about Dennis Trillo

imagesKasama si John Lapus sa bagong serye ng TV5 na “Tasya Fantasya” na bida si Shy Carlos. Dahil ang title ng show ay may pantasya, tinanong si John kung sinong artista ang pinapantasiya niya? Ang sagot niya ay yung dati pa rin at matagal na raw niya talagang pinapantasya na si Dennis Trillo. Kaya biro niya na gusto raw niyang patayin si Jennylyn Mercado nang mabalitaan niya na nakipagbalikan ito kay Dennis. Ang “Tasya Fantasya” ay mapapanood na simula sa February 6.

Leave a comment

Leave a Reply