
Alaska Aces wins over Beermen 2-0
by Justin P
Noong Martes ng gabi naganap ang game 2 ng Alaska Aces kontra San Miguel Beermen sa Smart Araneta Coliseum. Nangunguna ang koponan ng Alaska 2-0 sa iskor na 83-80 para makopo ang korona sa 2016 Smart Bro PBA Philippines Cup Finals.
Ang Beermen ay naglaro nang wala ang kanilang superstar player na si Junemar Fajardo sa pangalawang pagkakataon nang makaharap nila ang Alaska
Si Alex Cabagnot naman ay nakakuha ng game-high na 23-points para sa Beermen habang ang pumalit muna kay Fajardo na si Yancy de Ocampo ay nakakuha ng double-double, 13-points at 14 rebounds.
“My confidence has gone high on him. He’s a good backup for Junemar, especially now that he’s playing well. I think he’ll be a legitimate backup player and kung maganda talaga lalaruin niya, I might slash the playing time of Fajardo,” bulalas ni Austria.
Hindi na ipasok ni De Ocampo ang dalawang free throws at nagmintis naman ang tira ni Ronald Tubid ang 3-points habang walang nagbabantay sa kanya at ang hook shot ni De Ocampo ay nasupalpal sa huling 40 seconds ng laro.
“We lost our chances to get the lead,” sabi ng head coach ng SMB na si Leo Austria. “We did a good job against them and we did not give up in spite of our handicap.”
“We just need to keep on fighting back,” pakli ni Austria sa pagka 2-0 ng series. “We still have a chance even if we’re down 0-2.”
Vic Manuel ay nanguna para sa Aces at nakakuha ng 18-points at muntik ng makadouble-double si Calvin Abueva nakakuha siya ng 11-rebounds ngunit kinulang siya ng 1 points para ito ay maging double digit.
The scores:
Alaska (83) – Manuel 18, Hontiveros 12, Baguio 10, Abueva 9, Jazul 7, Banchero 6, Menk 6, Baclao 6, Casio 5, Thoss 4, Exciminiano 0, Dela Cruz 0.
San Miguel (80) – Cabagnot 23, De Ocampo 13, Lassiter 11, Santos 10, Ross 6, Lutz 6, Tubid 5, Espinas 4, Arana 2, Reyes 0.