
Vilma Santos in tries a role similar to Meryl Streep’s in “The Devil Wears Prada”
by Archie Liao
Masungit at self-centered na executive ang role ni Governor Vi sa “Everything About Her” at sa kanyang pagiging sa “impakta,” hindi maiiwasang nagkaka-pisikalan sila sa mga eksena nila ng kanyang future daughter-in-law na si Angel Locsin na gumaganap na private nurse niya sa pelikula.
Pero para sa dalawang pawang magagaling na aktres, trabaho lang iyon dahil gusto kasi ng director nilang si Joyce Bernal na maging intense ang bawat eksena at ayaw nito na dayaan ang lahat.
So, hindi iniinda ni Angel kahit nasasaktan siya ng Star for All Seasons dahil ang lahat ay bahagi lang ng kanyang trabaho. Kailangan nga naman na maging realistic ang kanilang mga eksena at mapaganda ang produkto ng kanilang trabaho pero pagkatapos naman ng nasabing take ay nag-a-apologize naman daw kaagad ang butihing gobernadora sa kanya.
Sa katunayan, sa personal level, napaka-motherly ni Governor Vi dahil protective siya kay Angel Locsin na girlfriend ng kanyang anak na si Lucky.
Ipinagdarasal din niyang maka-recover na ito nang husto pagkatapos na sumailalim sa spinal surgery na dahilan upang mag-back out ito sa “Darna.”
Nasasaktan din daw ang Star for All Seasons sa mga bumabatikos kay Angel lalo na iyong mga nagsasabing walang K raw si Angel na maging judge ng nagbabalik na reality talent search show na “Pilipinas Got Talent” na nasa kanya nang ikalimang season ngayon.
“In this business, you cannot please everybody. Lalabas at lalabas na kahit anong gawin mo, meron pa ring mga pula o criticism sa iyo. Basta ang importante, gawin mo iyong trabaho mo and prove to your detractors that they’re wrong. Gawin mong inspirasyon at motivation iyon para mapagbuti pa iyong trabaho mo,” aniya.
Sa kanyang pinakabagong pelikula handog ng Star Cinema, papel ni Vivian, isang feisty woman na gustong kontrolin ang lahat ng mga tao sa kanyang paligid ang role ni Governor Vi.
Dahil ala Meryl Streep sa “Devil Wears Prada” ang kanyang imahe rito, lumabas ang kanyang pagiging fashionista kung saan dahil sa galing ng acting niya ay nagkaroon pati ng recall ang brands ng mga mamahalin at imported na mga bags.
Tinanong namin siya kung sakaling isang brand siya, magiging ano kaya siya? Winner ang sagot niya dahil isa raw siyang brand ng isang kilalang milk na kanyang ini-endorso.
Napaka-‘motherly’ at nurturing ng sagot niya dahil kahit saan, bilang ina ng Batangas, lagi niyang inaalala ang kanyang mga constituents para nga naman paigtingin pa ang kanyang mga feeding programs para sa indigent families at malnourished children.
Bukod pa rito, hindi naman ikinaila ni Governor Vi na collector din siya ng mga signature items na kailangan din bilang status symbol, pero hindi raw niya ikinukundisyon ang isip niya na maging priority ito.
Mas gusto niya ang magdamit ng simple at para sa kanya, puwedeng maging chic and fabulous ang isang tao kahit hindi branded ang kanyang isinusuot niya dahil iyon ay depende sa pagdadala ng isang tao.
Si Governor Vi ay muling mapapanood sa most anticipated movie event of the year na “Everything About Her” kung saan kasama niya ang isa pang multi-awarded actress na si Angel Locsin at ang Kapamilya hunk actor na si Xian Lim na isang rebelasyon daw sa pelikula ayon sa kanyang mga co-stars.
Ito ay sa direksyon ni Bb. Joyce Bernal at mapapanood na sa lahat ng sinehan sa buong bansa simula sa Enero 17.