May 23, 2025
What makes Jiro Manio happy?
Home Page Slider Latest Articles

What makes Jiro Manio happy?

Jan 25, 2016

by PSR News Bureau

Ai-ai-delas-Alas-and-Jiro

Nalalapit na ang pag-uwi ng dating award-winning child actor na si Jiro Manio mula sa rehabilitation center kung saan ito kasalukuyang namamalagi. Matatandaang noong nakaraang taon, nakita si Jiro na palaboy-laboy sa NAIA Terminal na parang wala sa sarili. Dito siya tinulungan ng dating nakasama niya sa pelikula na si Ai Ai Delas Alas. Ang komedyana rin ang naging dahilan kung bakit napasok sa nasabing pasilidad si Jiro upang tuluyan na itong gumaling. Nagkaroon kasi ng ‘selective memory’ si Jiro noong panahong nawawala ito sa sarili. Kaya’t hindi niya matandaan ang lahat ng tao na nakilala niya sa buhay niya. Mabuti na lang at natatandaan niya si Ai Ai.

Sa kanyang pagbabalik sa tunay na mundo, gumawa rin si Ai Ai ng paraan upang manumbalik ang kasiyahan sa mukha ni Jiro. Ginawa ni Ai jiro manioAi ang lahat para ma-trace ang tunay na ama ni Jiro na isang Hapon. Nakausap na rin ni Ai Ai ito bagamat may sarili nang pamilya ito ngayon. May sulat nga si Daddy Andy [adoptive dad ni Jiro] sa kanya. Masaya rin si Ai Ai na ibalita na kilala na ni Jiro si Daddy Andy at natatandaan na nito kung sino ito sa buhay niya. Gagawa rin ng sulat si Jiro para naman sa Daddy Andy niya. Nais ng doktor ni Jiro na maayos muna ang relasyon sa pagitan ng mag-ama bago ito tuluyang makalabas ng pasilidad.

Nangako naman si Ai Ai na kapag lalabas na talaga si Jiro ay siya mismo ang susundo rito. Balak din niyang dalhin si Jiro sa Japan upang matupad na ang matagal nang minimithi nito na makita nang personal ang tunay na ama.

Kaugnay nito, nag-post nga si Ai Ai sa kanyang Instagram account na kasama niya si Jiro at makikitang maayos na ang kalagayan nito. Tumaba na ng konti at naging mas masaya na ang disposisyon ng bata. Malayong-malayo sa dati nitong hitsura noong kasagsagan pa ng problema niya. Mayroon din ipinost si Ai Ai na mga regalo mula sa anak niyang si Sancho Delas Alas at partner na si Gerald Sibayan na mga sapatos at t-shirts para kay Jiro.

Hangad ni Ai Ai na magtuloy-tuloy na ang paggaling ni Jiro. Piliin man nito na hindi na tuluyang bumalik sa showbiz, pero magiging maayos nang muli ang buhay ng batang dating artista.

Leave a comment

Leave a Reply