Jeric Gonzales denies viral sex video
by Rommel Placente
Nag-text kami sa aming alagang si Jeric Gonzales para tanungin siya kung siya ba talaga yung nasa sex video na napapanood sa internet. Ayon sa textback sa amin ni Jeric ay hindi raw siya yun, idininay niya ito. Nagbiro pa siya na kung gusto raw ba ng iba na makita siya na may sex video ay gagawa daw siya. Pero joke nga lang daw yun. Kung sinabi ni
Jeric na hindi siya yung nasa sex video, then so be it. Paniniwalaan namin siya kahit pa talagang kamukhang-kamukha niya yung lalaking nandun.
Dahil sa sinasabing sex video ni Jeric kaya mas maraming bading ang nag-iilusyon sa kanya. May isa nga kaming kaibigang bading na sabi niya ay ipakilala raw namin siya kay Jeric at willing daw siyang bayaran ito ng ten thousand for a one night stand. Natawa kami sa sinabing yun ng aming kaibigan. Sabi namin sa kanya, hindi ganoon si Jeric. Hindi ito ang tipo na pumapatol sa bading. Biro pa nga namin sa aming kaibigan na maliit ang ten thousand na ibabayad niya kay Jeric dahil guwapo ito at malaki ang “kargada” nito kung ang pagbabasehan ay ang naturang sex video. Natawa na lang ang aming kaibigan sa sinabi naming ito
Samantala, regular pa ring napapanood si Jeric sa seryeng “Destiny Rose” mula sa GMA 7 na gumaganap siya rito bilang kaibigan ng bidang si Ken Chan.
Diether Ocampo makes a showbiz comeback via “Bakit Manipis Ang Ulap?”
Marami ang nanibago kay Diether Ocampo nung makaharap siya ng entertainment press. Isa na kami roon para sa presscon ng bagong serye ng TV5 na “Bakit Manipis ang Ulap?” Gumaganap siya rito bilang isa sa lovers ng bidang si Claudine Barretto. Pa-english-english na kasi kung sumagot si Diet sa mga tanong sa kanya. Parang nakalimot na itong managalog. Kung magsalita man ng tagalong ay bihira na lang. Unlike dati na tagalog siya kung sumagot. Bukod pa dito’y napansin rin naming na seryoso siya kung sumagot na hindi man lang ngumingiti, huh! Dati ay nagbibiro pa siya. Ibang-ibang Diether talaga ang nakaharap namin nung mga oras na yun, sa totoo lang.