May 24, 2025
“I never thought Pauleen will fall in love with me.” – Vic Sotto
Home Page Slider Latest Articles

“I never thought Pauleen will fall in love with me.” – Vic Sotto

Jan 27, 2016

by PSR News Bureau

vic sottoInamin ni Vic Sotto na hindi niya lubos akalain na mapapa-ibig sa kanya at magkakagusto sa kanya si Pauleen. Alam naman daw niya ang laki ng agwat ng edad nila ng mapapang-asawa. Pero kapwa sila naniniwala na walang imposible sa pag-ibig.

Para naman kay Pauleen, ang pinakanagustuhan nito sa kanyang future groom ay ang pagiging simple nito. “He’s very simple. Nakakatawa kasi di ba, sa estado niya sa buhay, marami na siyang naipundar at lahat pero napaka-low maintenance niya na tao,” kuwento ni Pauleen.

“If you get to know him, madali siyang suyuin. Madaling i-please.”

Ayon pa sa bride-to-be, parehas din daw sila ni Vic na low maintenance na ang tanging hilig ay 2016-01-03_21-27-13_pauleen-vic-invitesmag-bonding ng simple gaya ng panonood ng movie at pagkain sa labas.

Para naman kay Vic, worth it ang ginawa nitong paghihintay hanggang sa makilala niya ng husto si Pauleen. “She’s worth waiting for. Kita mo
naman, hitsura pa lang, wala ka ng mahihiling pang iba? Pero hindi naman yung pampisikal ang mahalaga. Mas mahalaga yung busilak na kalooban. I find her pretty inside and out.”

Kung bakit si Pauleen ang kanyang pakakasalan?

“Simple lang ang dahilan. Siya yung nakikita kong babae na I would want to grow old with. Sa kanya ko nakita yung lahat ng qualities na matagal ko nang hinahanap sa babae.”

Bago pa man sila ikasal ni Pauleen, talagang pinaghandaan na niya ito. Ipinagpatayo pa nga niya ng bahay ang aktres upang maging tirahan nila kapag opisyal na mag-asawa na sila. Si Pauleen ang namamahala sa dekorasyon ng magigin bahay nila.

Laking pasasalamat din ni Vic sa mga anak niya dahil tinanggap nila si Pauleen ng buong puso gayun din ang mga ina ng mga anak niya. “I’ve always wanted to build a happy family and this is exactly what I had envisioned my future will be.”

save_the_date_cards_para_sa_kasalang_vic_sotto-pauleen_luna__handa_na_1445936587

Leave a comment

Leave a Reply