
Julia Clarete proves that she’s not the ‘third party’ in Ciara’s marriage
by PSR News Bureau
Upang patunayan na wala siyang kinalaman sa napapabalitang siya daw umano ang ‘third party’ sa paghihiwalay ni Ciara Sotto at ng asawa nitong si Jojo Oconer, dumalaw kamakailan si Julia Clarete sa bahay ng singer-actress.
Naririto sa Pilipinas si Julia mula sa Kuala Lumpur, Malaysia kung saan na siya naka-base ngayon para sa isang one-night only concert noong isang araw sa isang bar sa Makati City.
Marami kasi ang naghaka-haka na si Julia ang itinuturong dahilan ng paghihiwalay nina Ciara at ng dati nitong asawa dahil bigla na lang nawala ito sa ‘Eat Bulaga.’ Sampung taon din namalagi si Julia sa nasabing noontime show. Nagkataon naman na sa kanyang pagkawala ay biglang lumutang din ang isyu na may kinalaman sa pakikipaghiwalay ni Ciara sa asawang si Jojo Oconer.
Ang mga showbiz insiders, nag-one plus one at inisip nab aka si Julia ang tinutukoy na ‘babae’ ng kanyang dating asawa. Hindi magagawa ni Julia na mangwasak ng pamilya lalo pa’t malapit na kaibigan na ang turing halos sa kanya ay parang miyembro na ng pamilya.
Bukod kay Julia, ilang pangalan pa sa showbiz ang lumutang na sinasabing dahilan ng pagkawasak ng relasyon ng mag-asawa gaya nina Valeen Montenegro at Meg Imperial. Lahat sila ay itinuturong ‘third party’ sa paghihiwalay nina Ciara at Jojo.
Sa isang tweet ni Ciara kamakailan, pinatunayan nito na walang isyu sa pagitan nila. Anito, “My dearest sista @JuliaClarete I miss youuuuu! Come and visit me soon ok? I love you!”
Sa Instagram account naman ng singer-actress, nag-post ulit si Ciara ng video kung saan mapapanood ang pagbisita ni Julia sa bahay nila kasama ang anak nitong si Sebastian. Nilagyan niya ito ng caption na: “Thanks for visiting us @juliaclarete I love youuuuu! I really missed you and Seb!”