
Liza Soberano defends mother from bashers
Hindi na nakagtimpi ang kagandahan ni Liza Soberano matapos ma-bash ang sariling ina niya na tinawag ng isang netizen na isang “meth addict” at kasalukuyan diumano na nasa isang rehab sa Amerika kaya hindi daw nito kagawang umuwi sa Pilipinas. Kahit sino naman sigurong kaanak ang gawan ng ganoon ay siguradong hindi nito palalampasin at natural lang na ipagtanggol ang ina sa nasabing basher. Agad pinabulaanan ni liza ang naturang balita. “That’s not true. Let’s keep my mo, put of this, she’s not part of showbiz. She’s a very private person. It’s unfair to drag her name,” pakli ni Liza.
Sa kanyang Twitter account, mariing sinabi ni Liza na: “You can call me anything you want, but never ever say anything bad about my mom. She doesn’t deserve it.” Nagpahayag din si Liza ng kalungkutan sa mga hindi kagandahang asal na ginagawa ng mga netizens online na nakakasakit na ng damdamin ng maraming tao. “Sad to see people hide behind their social media accounts. Throwing words far below the belt at people they don’t even know.” and “How is this even becoming acceptable? Isn’t anyone going to put a stop to this?”