
“From this day on, you will be my number two priority in life.” –Vic Sotto on wife Pauleen Luna-Sotto
by PSR News Bureau
Ikinasal na nga sina Vic Sotto at Pauleen Luna noong Sabado, January 30, sa St. James the Great Parish sa Ayala Alabang Village. Gaya ng inaasahan, naging star-studded ang nasabing affair na dinaluhan ng ilan sa malalapit na kaibigan at kamag-anak ng dalawa kabilang na ang sikat na sikat na si Miss Universe na si Pia Alonzo Wurtzbach na isa sa mga abay at matalik na kaibigan ni Pauleen.
Masasabing kontrobersiyal ang naging relasyon nina Pauleen at Vic. Unang-una kasi malaki ang difference ng dalawa sa kanilang edad, 36 years ang agwat ng edad nila pero pinatunayan nila na ‘age is simply just a number.’ Hindi nila alintana ang batikos na natanggap nila sa simula pa lang ng kanilang naging relasyon. Kaya naman parehas silang naluha sa kanilang kasal. Luha ng kagalakan at kasiyahan. Naging full support din ang pamilya Sotto sa kanilang kasal. Present ang lahat ng anak ni Vic sa nasabing okasyon.
Sa kanilang exchange of vows na ginanap during the reception sa Filinvest Tent sa Alabang Muntinlupa ay ipinangako rin ni Bossing Vic sa kanyang asawa na “from this day forward, you will be my number two priority in my life.” Una raw kasi niyang prayoridad ang Diyos kaya’t pumapangalawa lang ang kanyang asawa. Nagbiro pa nga ito na hindi pa siya sanay na tawaging asawa si Pauleen. Sanay daw siya ng dyowa, syota at kung anu-ano pa, masarap daw pala sa pakiramdam ang may tinatawag na asawa.
Naging madamdamin din ang mensahe ni Pauleen sa kanyang asawa. Ang kanilang relasyon ay puno ng pagtitiis, pag-unawa, sakripisyo at pagmamahal. “We were tested so many times but we survived because of one reason. And that reason is God. He was with us in every single struggle. He always made us realize the worth of each other and he didn’t allow us to fall apart.”
Pinapurihan din ni Pauleen si Vic. “You are a good person, Vic. “Despite the success, you have unbelievable humility, you have a heart that’s always ready to help.
“You are kind even if you’re not aware of it.
“Your love to your children is immeasurable. And your love to God is beautiful.
“I’m blessed to have you, and see the goodness in you and to know the real you.
“You made me see that true love knows no age, no boundaries.
“Beyond with the eyes can see, that true love is felt. That true love is gift from above.
“Thank you.”
Binanggit din ni Pauleen at nagpasalamat it okay Vic dahil ipinaglaban nito ang kanilang pagmamahalan.
“Thank you for sticking out with me this far. Thank you for fighting for me.
“Thank you for allowing me to love and care for you, for making me the best version of myself.
“Thank you for respecting me, my parents, and my values.
“For loving me the best possible way you can. I know that you’re trying your best.”
Nangako rin ang 27-year-old actress-TV host na: “I cannot promise a life without arguments, petty fights, and misunderstandings, but I promise to understand you every single time.
“I promise to respect you, your decisions.
“I promise to take care of you, put your needs before mine, and give all the love and attention that you deserve.
“And most importantly, I promise to love your children the way I love you.”
Sa puntong ito, hindi na napigilan ni Pauleen na humulagpos ang kanyang emosyon sa huling pagbabahagi niya ng mensahe niya kay Vic.
“Remember from this day on, we are one.
“Your problems are my problems.
“Your pain is my pain.
“Your success is my success, and your happiness is mine.
“I will hold your hand through this whole journey and will not let go. Thank you and I love you.”
Nakatakdang umalis patungong Maldives ang bagong kasal nitong Miyerkules, February 3 para sa kanilang honeymoon. Sabi pa ni Pauleen, kahit kasal na ito kay Vic, tuloy pa rin daw ito ng pagho-host ng ‘Eat Bulaga.’ Hindi rin daw muna ito tatanggap ng drama series or teleseryedahil sa kagustuhan niyang magkaanak at maalagaan ang asawa.