
Coco Martin says he’s ready to settle down
by PSR News Bureau
Pinagpipistahan sa social media at hit na hit rin sa mga manonood ang pagaanyong-babae ng award-winning actor na si Coco Martin. Maganda nga naman kasi ang kinalabasan ng pagbibihis babae ni Coco. In fairness sa aktor, talagang kinarir niya naman kasi ang nasabing pagpapanggap ng kanyang ginampananang papel bilang si Cardo sa TV hist series na “Ang Probinsiyano.”
“Marami talaga ang nagsasabi sakin na maganda rin naman pala ako kung naging babae ako. Parang minsan nalulungkot na nga ako kasi mas marami nang nagsasabing maganda ako kesa guwapo bilang si Coco,” bungad ni Coco sa Philippine Showbiz Republic (PSR.ph) nang aming makapanayam.
Aniya, pinag-isipan daw talaga nila ng husay ang kanyang pagbibihis babae. Bahagi rin kasi si Coco ng creative staff ng “Ang Probinsyano” kaya mayroon din siyang sariling inputs sa mga bagay na isinasama sa script. “Doon ko lang na-realize, ang hirap pala talagang maging isang babae. Yung paglakad mo pa lang ng naka-heels, dusa na talaga. Kaya mas lalong lumaki yung respeto ko sa mga kababaihan. Hindi kasi biro yung mga ginagawa nila,” paliwanag ni Coco.
Nabanggit rin ni Coco na anytime ay ready na raw siyang mag-settle down. Nasa tamang edad na rin naman ang aktor upang bumuo ng sarili niyang pamilya. “Honestly, kasi 30 plus na rin naman ako. Kung tatanungin mo ako kung hinahanap ko yung posibleng maging bride ko, sabi ko one of these days ay makakasalubong ko rin yan. Pinaghahandaan ko na nga ang kanyang pagdating eh, lahat ng pinaghihirapan ko alam kong doon na papunta ‘to.”
Gusto daw niyang makapag-asawa habang bata pa siya para raw hindi siya mahirapan makipag-bonding sa kanyang magiging anak. Ang problema nga lang ay hindi pa niya nakikilala ang kanyang magiging bride-to-be. “Darating din tayo diyan, ang importante pag nakilala ko na siya, handang-handa na ang lahat, siya na lang ang kulang.”
Aminado rin si Coco na inuuna kasi niya ang kanyang pamilya kaya’t medyo nahihirapan siyang maghanap ng babaeng kanyang mamahalin.
“Minsan naman hindi ko siya kailangan pang hanapin, kusa siyang darating. At ngayon po medyo naayos ko na lahat yung family ko and yung financial matters ko, so anytime po talaga, pwede ko nang asikasuhin yung love life ko. Malay natin, baka one of these days, mameet ko na siya,” pagtatapos ni Coco.