
Miss Universe 2015 Pia Alonzo Wurtzbach graces Super Bowl 50 as correspondent
by PSR News Bureau
Kung nitong nakaraang weekend ay naging emosyonal si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach nang bumalik na ito sa New York upang ipagpatuloy gampanan ang kanyang mga responsibilidad bilang reigning Miss Universe, kaagad napasabak sa trabaho si Pia sa kanyang pagbabalik sa Amerika.
Nag-post ng kanyang emotional message si Pia sa kanyang Instagram account para sa lahat ng Filipino na walang sawang sumusuporta sa kanya nang makabalik na siya sa Amerika.
“I’ll be back soon, mga kababayan. Naiiyak ako that I have to leave so soon. Sobrang saya ko dito sa Pilipinas.
“But like I said, this is a responsibility and I have duties now. I will continue making all of you proud!” pahayag pa ng reigning Miss Universe.
Sa official Instagram account naman ng Miss Universe, muling nag-post ng mensahe ang dalaga, aniya, “There is nothing better in the Universe than seeing and hearing your support, Philippines. Thank you to each and every one of you and I will continue to make you proud. –Pia.”
Sa pagdating ni Pia sa Amerika ay naging abala agad siya sa kanyang tungkulin bilang correspondent ng palatuntunang Inside Edition para sa Super Bowl 50. Madalas na mag-update si Pia sa kanyang social media accounts. Makikita na kinapanayam ng beauty queen ang ilang manlalaro sa pinakamalaking pangyayaring pampalakasan sa Amerika. Nagkaroon din ng pagkakataon si Pia na makapanayam si Kenny Anunlike ng Denver, Broncos. Nagpatura pa nga ng ilang galaw si Pia ng sayaw.
Makikita rin na humataw ang Pinay beauty queen kasama ang ilang manlalaro mula sa Carolina Panthers na ikinatuwa ng mga netizens at fans ng Miss Universe. Panibagong learning experience ito para kay Pia at aminado ang dalagang sobra niya itong ine-enjoy dahil isa rin ito sa ilang pangarap niya na unti-unti na niyang nabibigyan ng katuparan.
Sinabi ni Inside Edition Executive Producer na si Charles Lachman na akma si Pia sa pagiging correspondent. “She has the on-air poise that we look for as reigning Miss Universe, she’s no stranger to a thrilling competition either,” sabi ni Lachman.
Idaraos ang Super Bowl 50 sa Levi’s Stadium sa Sta. Clara, California simula February 8