
John Lloyd Cruz and Bea Alonzo seen together at Balesin Island
by PSR News Bureau
Kahit hindipa rin tuluyang inaamin nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz ang kanilang relasyon, marami ang nakakakita sa kanila na magkasama lately. Bagamat karamihan sa fans ng kanilang love team ay natutuwa at kinikilig na sa wakas ay nagkatuluyan na ring mag-ibigan ang dalawa matapos nilang gawin ang “A Second Chance” noong nakaraang taon. May ilan din naman ang nagagalit at tinatawag na ‘ahas’ si Bea sa pang-aagaw nito ng boyfriend. Anila, inagaw daw ni Bea si John Lloyd kay Angelica Panganiban.
Recently nga ay may mga nakakita kina John Lloyd at Bea sa romantikong isla ng Balesin. Ang chika pa nga ay nakasakay pa nga daw sa two-seater plane ang dalawa nang pumunta sila sa nasabing isla. Ang nag-kwento nga diumano ay pinsan ng piloto na sinakyan nilang eroplano. Ito ang nagpakalat ng kwento dahil isa rin itong die-hard na Bea-Lloydie fan.
Wala namang kumpirmasyon at pagtanggi mula kina Bea at John Lloyd. Wala rin namang magagawa ang fans kung nais nilang dalawa na itago ang anumang espesyal na namamagitan sa kanila. Karapatan nila yun, hangad lang ng fans na hayaan nang maging masaya sina Bea at John Lloyd lalo pa’t hindi naman sila kapwa naging two-timer, hiniwalayan muna nila ang kanilang respective partners bago naging sila. At kung iisipin, ilang taon din muna ang binilang nila John Lloyd at Bea bago nila na-realize na mayroon din pala silang pagtingin para sa isa’t-isa. Maging masaya na lang tayo para sa kanilang dalawa at tigilan na ang pagiging ‘bitter’ ng iba.