May 25, 2025
HIV-positive employee wins labor case against Ricky Reyes
Home Page Slider Latest Articles

HIV-positive employee wins labor case against Ricky Reyes

Feb 9, 2016

by PSR News Bureau

ricky-reyes

Nanalo ang dating hairdresser ng sikat na celebrity hairstylist na si Ricky Reyes sa isinampa nitong kaso laban kay Reyes. Ang dating hairdresser ni Reyes na nag-positibo para sa human immunodeficiency virus (HIV) na nagsampa ng kaso laban kay Reyes noong taong 2014 dahil umano sa ‘discrimination and unlawful termination’ ay nanalo laban kay Reyes at napatunayan ng husgado bilang guilty.

Ang National Labor Relations Commission (NLRC) ay nag-utos kay Reyes na magbayad ng danyos perhuwisyo kasama na ang suweldo at ilang bricky reyes 1enepisyo, bonus, separation pay at attorney’s fees na umabot sa P615,313.06. Sa ipinadalang salaysay ng Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines [ALU-TUCP], napatunayan ng korte na si Reyes at ang business partner nitong si Tonneth Moreno ang naglipat sa empleyadong si Renato Nocos sa isang branch na malapit nang magsara at ma-bankrupt pagkatapos malaman na si Nocos ay mayroong sintomas ng HIV infection.
Matapos na magsara ang nasabing branch, hindi na nabigyan ng bagong assignment si Nocos. “Hindi nakakahawa ang HIV at hindi ito nalilipat sa pamamamagitan lang ng paghawak, pagyakap, pagbahing, pag-ubo, pagkain at pag-inom at paghiraman ng kagamitan ng isang infected na tao. Ibig sabihin lang na si Reyes at ang mga kasama nito ay sinubukang protektahan ang kanilang empleyado at customer na hindi nararapat at lumalabag sa karapatan ni Nocos bilang empleyado.”

2016-02-08_17-27-13_Ricky-MainNag-file noong March 3, 2014 si Nocos ng kasong discrimination, unlawful termination, non-payment of lawful wages and benefits laban kina Reyes at Tonneth Moreno, taltong araw matapos siyang matanggal sa trabaho. Sinabi ni Nocos na tinanggal siya sa trabaho matapos niyang ipaalam kina Reyes at Moreno na siya ay mayroong HIV. Hindi rin hinulugan at binayaran nina Reyes at Moreno ang kanyang Social Security System at PhilHealth insurance premiums kahit kasalukuyan pa siyang empleyado noon sa kumpanya ni Reyes mula pa noong July 16, 2003. Ito ang nagtulak kay Nocos na hingin ang tulong ng ALU-TUCP noong June 2015 upang maisapubliko ang kanyang kondisyon. Bagamat batid ni Nocos na ang pagsasapubliko ng kanyang kaso laban kay Reyes ay magbibigay sa kanya ng stigma o mantsa sa lipunan.

Hanggang sa mga sandaling ito ay hindi mahingan ng komento o statement si Reyes.

Leave a comment

Leave a Reply