
Isabelle Daza is engaged to French boyfriend Adrien Semblat
by PSR News Bureau
Tila nauuso na rin sa mundo ng showbiz ang pagpapakasal at pagiging engaged. Joining the bandwagon is none other than former Miss Universe 1969 Gloria Diaz’ darling daughter, Isabelle Daza. Kinumpirma ni Belle na engaged na ito sa kanyang French boyfriend na si Adrien Semblat. 6 na taon na silang magkasintahan ni Adrien kaya’t para sa dalaga ay napapanahon na upang lumagay sila kapwa sa tahimik.
Matatandaang January pa lang ng taong 2016 ay may mga lumutang na balita na engaged na raw sila ng kanyang boyfriend pero itinanggi ito ni Belle noon. Nagbiro pa nga ang aktres at sinabing matagal na nga raw siyang nagpaparinig kay Adrien na handa na siya sa pag-aasawa at hinahangad daw niya na mangyari ito sa taong ito.
Sa personal na Facebook account ni Belle, nag-post siya ng larawan na may caption na, “I said, YES!” Maging sa Instagram account ng dalaga ay makikita ang isang singsing na mayroong heart emojis.
Si Adrien ay country manager ng Adidas Philippines at ikalawang boyfriend ng aktres.
Mula sa Philippine Showbiz Republic (PSR.ph), congratulations Isabelle and Adrien!