May 25, 2025
Jennylyn Mercado is excited to be working with John Lloyd Cruz
Home Page Slider Latest Articles Movies

Jennylyn Mercado is excited to be working with John Lloyd Cruz

Feb 9, 2016

by PSR News Bureau

jenNapakasuwerte ni Jennylyn Mercado sa pagpasok ng Chinese New Year dahil sa kabila ng pagiging isang Kapuso artist ay nagkaroon ng pagkakataon na makasama ang ilan sa magagaling na Kapamilya at Kapatid stars bilang leading men gaya na lang nina Sam Milby, Derek Ramsay, Jericho Rosales at ngayon nga ay makakasama naman niya si John Lloyd Cruz sa isang pelikula ng Star Cinema. Magmula nang pinalad na manalo at maging two-time Metro Manila Film Festival [MMFF] Best actress si Jennylyn ay naging sunod-sunod na ang proyekto ng aktres.

Kamakailan nga ay nag-post si Jen sa kanyang social media account ng : “Surprise! #Movie #StarCinema.” Iilan lang ang nakakatibag ng pader sa pagitan ng giant networks na artista, yung mga suwerte na nakakapag-‘ober-da-bakod’ na pinapayagang makagawa ng pelikula sa ibang network at pinapahiram na talento. Si Jen ay isa sa mga artistang nakakagawa nito.

jennylyn-john-lloyd-direk-cathyAyon sa Star Cinema, nagsimula nang mag-shooting sina Jen at John Lloyd ng kanilang pelikula sa ilalim ng direksiyon ni Cathy Garcia-Molina. Ang kuwento ay tungkol sa isang panget na babae sa umpisa na gaganda sa pagpapatuloy ng pelikula. Ang nasabing proyekto ang ikatlong pagkakataon na magtratrabaho si Jen para sa Star Cinema.

Unang gumawa si Jen ng pelikula sa labas ng home network niya nang gawin nito ang “The Prenup” kasama si Sam Milby. Naging nominado naman siya at nanalo para sa 41st MMFF para sa “Walang Forever” kasama si Jericho Rosales. Bago pa ito, nanalo rin siya para sa pelikulang “English Only Please” kung saan si Derek Ramsay naman ang kanyang kapareha na isang Kapatid actor.

Leave a comment

Leave a Reply