May 23, 2025
Ciara Sotto posts a friendly reminder to her husband’s mistress
Home Page Slider Latest Articles

Ciara Sotto posts a friendly reminder to her husband’s mistress

Feb 10, 2016

by PSR News Bureau

ciara twit

Kamakailan ay muling nag-post ang singer-actress na si Ciara Sotto sa kanyang Twitter account kung saan may larawan na may caption na: ‘God is not going to bless you with someone else’s husband.’ Nilagyan pa niya ang naturang larawan ng kasunod na tweet na “A friendly reminder.”

Sa isa pang tweet, binanggit ni Ciara na ang ‘reminder’ na iyon ay para sa isang partikular na tao. “Muntik ko na siyang i-tag sa Tweet. Naaawa lang ako ng konti,” sinabi nito sa isang kaibigan.

Hindi man hayagang sinabi ni Ciara kung kanino ang nasabing tweet, pero nagkaroon agad ng ispekulasyon sa mga followers niya na may koneksiyon ito sa babaeng kanyang nakaagaw sa asawang si Jojo Oconer.

ciara sottoMatatandaang kamakailan lang ay nagdesisyong umalis ni Ciara sa kanilang bahay at muling bumalik sa poder ng kanyang mga magulang. Inamin ni Ciara na mayroon silang pinagdaraanang mag-asawa dahil diumano sa isang third-party involve sa kanilang relasyon bilang mag-asawa. Ilan sa mga pangalan ng artistang pinaghihinalaan na siyang ‘babae’ ni Jojo ay sina Meg Imperial, Julia Clarete at Valeen Montenegro.

Agad itong pinabulaanan ni Julia lalo pa’t dinalaw niya si Ciara nang makauwi ito mula sa Kuala Lumpur, Malaysia kung saan na ito base ngayon nung magkaroon si Julia ng isang one-night-only na concert nitong huling bahagi ng buwan ng Enero. Pero hanggang ngayon ay nananatiling tikom ang bibig nina Meg at Valeen ukol sa isyu na nagsasangkot ng kanilang mga pangalan sa paghihiwalay nina Ciara at Jojo.

2016-01-17_21-57-59_tito-&-helen-mainMaging sina Sen. Tito Sotto at ang maybahay nitong si Helen Gamboa ay nananatiling tahimik at hindi nakikielam sa isyu. Inirerespeto nila ang desisyon ng bunsong anak na si Ciara na manatiling tahimik sa kabila ng kontrobersiya ng kanyang pakikipaghiwalay sa asawang si Jojo.

Leave a comment

Leave a Reply