
Vic Sotto’s ex Angela Luz has a message for Pauleen Luna
by PSR News Bureau
Personal na nagkita kamakailan ang ex-girlfriend ni Vic Sotto na si Angela Luz [na isang dating artista] at ang kanyang bagong asawa na si Pauleen Luna. Nangyari ang pagkikita nila sa kauna-unahang pagkakataon sa launch ng exhibit ng anak nina Vic at Angela na si Paulina, ang bunsong anak ng komedyante. Kasabay nito ay nag-post sa Instagram si Angela at nagpasalamat ito sa mabuting pakikitungo ni Pauleen kay Vic at sa anak niya sa TV host.
Sabi ni Angela, “So we finally met. To Mrs. Sotto @pauleenluna…thank you for your support…for being there for my daughter. I know the situation is not easy, but I appreciate all the understanding you have shown…for allowing Vic and I to still be proud parents together. It means a lot to me and especially to my daughter. Thank you!”
Sa comments thread ng naturang post, sumagot din si Pauleen at sinabi nitong kailanman ay hindi nito hahadlangan ang magandang relasyon ng mister niya sa anak nitong si Paulina.
Pahayag ni Pauleen,“Good morning! Thank you for being so warm last night. I will never get in the way when it comes to Paulina. I am as proud as you guys! It was a pleasure to meet your family. See you soon!”