May 24, 2025
Martin del Rosario admits he’s the guy on the viral nude photo
Home Page Slider Latest Articles

Martin del Rosario admits he’s the guy on the viral nude photo

Feb 11, 2016

by PSR News Bureau

Martin Del Rosario
Photo grabbed from IG @martinmiguelmdelrosario

May kinakaharap na naman na bagong kontrobersiya ang aktor na si Martin del Rosario. Nasangkot ang aktor sa isang viral nude photo scandal na kumalat sa ilang social media sites. Larawan ito ng isang lalaking nakasuot ng sando ngunit walang suot na walang salawal o underwear kaya makikita ang pag-aari nito.

Kung pagbabasehan ang hitsura ng lalaking nasa larawan, marami ang naniniwala na mga nakakita na ito ay walang iba kung hindi si Martin. Sa panahon kasi ngayon, wala ng imposibleng gawin, lahat ng bagay ay maaari ng magkaroon ng ‘magic.’ Puwede ng mag-edit gamit ang Photoshop. Kung kaya’t mahirap nang mapatunayan kung siya nga ba ang nasa larawan o hindi.

Ayon sa Philippine Entertainment Portal, natanong nila ang aktor tungkol sa nasabing kumakalat na eskandalosong larawan. Inamin na diumano ni Martin na siya nga ang lalaking nasa litrato. Bagamat noong umpisa ay nagkaroon ng pagdududa si Martin at hindi kaagad ito naniniwala na siya nga ang lalaking nasa nasabing larawan dahil may medyo may kalabuan daw ito. Hindi na rin daw matandaan diumano ng aktor kung kailan ito nangyari at maging kung sino ang kumuha ng naturang larawan.

Martin Del Rosario_01
Photo grabbed from IG @martinmiguelmdelrosario

Ayon pa kay Martin, wala naman daw siyang nakikitang masama sa naturang larawan niya. Aniya, naglakad lang naman daw siya nang walang brief at wala naman siyang ginawang masama. Mula sa nangyari sa kanya ay natuto na raw siya at magiging mas maingat na sa susunod.

Dahil na rin sa nasabing larawan, maraming kabaklaan ang nagpapantasya ngayon sa kanya. Naniniwala naman ang aktor na hindi ito makakaapekto sa kanyang career. Kung ano man daw ang naging motibo o sino man daw ang nagpakalat ng naturang larawan, hangad ni Martin na sana raw ay naging masaya ito sa ginawa niya lalo’t naging viral nga ang nasabing larawan. Wish din ni Martin na sana’y mag-move on na ang lahat.

Matatandaan na noong nakaraang taon pa may isyu na pumutok tungkol sa diumano’y nude photo scandal ni Martin. Ngunit noon ay pinabulaanan niya ang nasabing balita. Hindi ito kaagad umamin na siya ang nasa larawan.

Samantala, patuloy naman ang pamamayagpag ng career ni Martin sa kabila ng isyu ng nude photo scandal. May nakatakda siyang gawin na isang indie film at extended pa ang Buena Familia hanggang buwan ng Marso.

Leave a comment

Leave a Reply