May 23, 2025
Warrant of arrest issued against Neri Naig
Home Page Slider Latest Articles

Warrant of arrest issued against Neri Naig

Feb 12, 2016

by PSR News Bureau

neri-naig-1Mayroong inilabas na warrant of arrest para sa TV actress na si Neri Naig-Miranda at isang empleyado ng ABS-CBN tungkol sa reklamo at isinampang kaso ng libel laban sa kanila. Inutusan ni Judge Ricky Jones Macabaya ng Regional Trial Court Branch 5 ng Cebu City ang Quezon City Police Station na arestuhin si Miranda at ang manager ng Star Magic na si Danilyn Nunga at iharap sa kanya ayon na rin sa ipinaguutos ng batas. Ito ay may kinalaman sa court order na inilabas nitong January 13, 2016.

Magmula ng na-issue ang nasabing warrant of arrest, hindi pa raw boluntaryo at kusang loob sumuko sina Miranda at Nunga sa Cebu City Prosecutor’s Office noong nakaraang taon dahil diumano sa pag-post nila sa Instagram account nila na may kinalaman sa reklamo nina Clarence Taguiam at ang kaibigan nitong si Donna Marie Go na inakusahan silang maging pekeng tinder ng kamera. Sila ay inakusahan na lumabag sa Republic Act No. 10175 or ang batas laban sa Cybercrime.

Sa isang post na inilabas noong April 30, sinabi ni Nunga na bumili ito ng GoPro Hero 3 Action na kamera pero hindi niya diumano ito nakuha kahit pa nagbayad na ito ng P7,500. Ang naturang mensahe ay ni-repost ni Miranda, asawa ng frontman at bokalista ng bandang Parokya Ni Edgar na si Chito Miranda.

Sinabi ng prosecutor’s office na hindi tama na kaagad na pinanigan at pinaniwalaan ng aktres ang naturang post at marapat na tiyakin muna nito kung totoo ang naging mensahe sa Instagram post na iyon o hindi bago ito kanyang ini-repost. Itinanggi ni Taguiam na nagbenta ito ng camera kay Nunga.

neriKinalaunan ay binura at tinanggal na rin nina Miranda at Nunga ang alegasyon at malisyosong Instagram post nang mag request na ang abogado ng mga nagreklamo. Sa kabila nito, hindi umano nagbigay ng public apology o anumang statement na magpapabago sa una nilang Instagram posts para malinis ang pangalan ni Taguiam at Go na siyang mga nagreklamo.

Hindi rin diumano nagbigay ang dalawa ng tinatawag na counter-affidavit sa opisina ng prosecutor gaya ng inaasahan nila upang muling maibestigahan ang naturang kaso. Hinihingi ng abogado ng mga nagreklamo na si Attorney Rex Tadena na muling buksan ang kaso at imbestigahan itong muli dahil hindi diumano nabigyan ng ‘due process of law’ ang kanyang mga kliyente. Si RTC Judge Macabaya ang humiling na sa halip na muling buksan ang naturang kaso, ihain na lang ang arrest warrant kina Miranda at Nunga.

Leave a comment

Leave a Reply