June 17, 2025
ABS-CBN names Malou Santos as Star Creatives’ Chief Operating Officer
Faces and Places Latest Articles

ABS-CBN names Malou Santos as Star Creatives’ Chief Operating Officer

Feb 15, 2016

by PSR News Bureau

malou_santos_400x400
Photo grabbed from: Twitter @missmalousantos

Inanunsiyo ng pamunuan ng ABS-CBN ang pagkakatalaga kay Ms. Malou Santos bilang bagong Chief Operating Officer (COO) ng Star Creatives simula nitong Pebrero 15, 2016. Bilang namumuno ng Star Creatives, pamamahalaan ni Santos ang patuloy na paggawa ng mga dekalidad na mga pelikula, mga mahuhusay na primetime na teleserye at maging ang sangay ng Star Music ay kanya ring mas palalakasin pa sa pamamagitan ng live events production, promotion sa radio programs at talent development at management.

Nakilala si Santos dahil nagsimulang mas makilala, sumikat at mas magtagumpay sa ilalim ng kanyang pamumuno ang Star Cinema, ang kinikilalang film outfit ng ABS-CBN. Matatandaang tumabo sa takilya ang ilan sa mga di malilimutang pelikula mula sa Star Cinema gaya ng “Beauty and The Bestie” na siyang tinaguriang highest Filipino movie of all time at ang box office hit na “A Second Malou-SantosChance.” Sa ilalim rin ng pamamatnubay ni Santos ay mas napalawak ang naabot ng pelikulang Pilipino sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Asahan na sa pagiging bagong COO ni Santos na mas kikininang pa ang Star Cinema at mas magkakaroon pa tayo ng mga matatawag na world-class na teleserye sa telebisyon. Mula sa Philippine Showbiz Republic (PSR.ph), congratulations and more power kay Ms. Malou Santos at sa Star Creatives!

Leave a comment

Leave a Reply