
Liza Soberano’s Time Frame to Enrique Gil’s courtship
by PSR News Bureau
= Sa naging panayam ng TV host na si Boy Abunda sa itinuturing na phenomenal love team na sina Enrique Gil at Liza Soberano kamakailan sa kanyang late night talk show na Tonight with Abunda, diretsahang tinanong ang dalaga kung sinagot na ba niya ang guwapong kapareha. Sinagot naman ito ni Liza ng: “Basta ang sinabi ko po sa kanya [Enrique] na bigyan pa niya ako ng panahon para paghandaan yung sarili ko. I just wanted to be sure.” Aminado kasi si Liza na hindi pa ito handang makipagrelasyon kahit sabihin pang 18 years old na ito ngayon at dalagang-dalaga na. Ayon pa rink ay Liza, hindi rin daw kasi pag-ibig ang focus niya kung hindi trabaho. Naniniwala rin siya na darating din ang tamang panahon para sa pag-ibig pero sa ngayon daw ay work daw muna ang kanyang pagtutuunan ng pansin. Hindi naman daw nila kailangang magmadali ni Enrique.
Para naman sa mestisong aktor, naiintindihan daw ni Enrique ang sitwasyon at inirerespeto niya ang desisyon ni Liza tungkol dito. Handa rin daw siyang maghintay makamtan lang ang matamis na “oo” mula kay Liza. Hindi daw nito mamadaliin si Liza na pumasok sa isang seryosong relasyon. Naniniwala rin ang binata na dapat pag-isipang mabuti ni Liza ang isang bagay bago ito pumasok sa isang relasyon. Basta para sa kanya, masaya na siya na malaman na malaki ang ‘pag-asa’ niya na sagutin ni Liza. Tutal naman daw ay palagi rin silang magkasama sa trabaho kaya’t ayos lang talaga sa kanya kung maghintay man siya sa matamis na “oo” ni Liza. Ayon pa sa kanya, mas lalo nga daw siyang natsa-challenge kapag ganun na mayroon siyang isang bagay na pinaghihirapan.
Ngayon pa lang ay inaabangan na ang muling pagbabalik ng tambalang Liz-Quen sa telebisyon via Dolce Amore, ang bagong ABS-CBN primetime teleserye na mapapanood na simula bukas, February 15 na papalit sa timeslot na binakante ng katatapos lang na seryeng “Pangako Sa’Yo.” Makakasama nina Liza at Enriue sa seryeng Dolce Amore sina Matteo Guidicelli, Cherie Gil, Edgar Mortiz, Rio Locsin, Kean Cipriano, Sunshine Cruz, Andrew E at Frenchie Dy.