
Best-selling poet Lang Leav wrote a special poem for Maine Mendoza; Maine writes a poem for Alden Richards
by PSR News Bureau

Ibang level na talaga ang kasikatan ni Maine ‘Yaya Dub’ Mendoza. Sino’ng mag-aakala na magsusulat ng espesyal na tula ang best-selling poet na si Lang Leav para sa kanya? At mayroon pang drawing ng mukha ni Maine yun na talaga naming ikinatuwa ng fans ng AlDub na siyang nag-request kay Leav na sumulat ng tula para sa kanilang iniidolo.
Nagsimula ang lahat nang may isang fan ng phenomenal tandem na AlDub ang humiling kay Lang Leav na gawan niya ito ng isang tula. Sinagot ito noong una ni Leav na maaari siyang sumulat ng isang tula para rito kung mismong si Maine ang hihiling nito sa kanya. Nagkomento pa ang magaling na poet sa Twitter account niya noong February 13 na naaaliw daw siya sa tambalang AlDub. Ayon kay Leav, “They [AlDub] looked so cute together.”
Nang mabasa ito ni Maine ay kaagad itong nagbigay ng reply sa nasabing tweet ni Leav. Sabi ni Maine: “Oh my gosh thank you, make it happen please.”

And voila! Sa mismong araw ng mga puso nga ay kaagad nakagawa ng isang espesyal na tula si Lang Leav na pinamagatan nitong “Stars In Love” na kanyang ibinahagi rin sa Twitter account niya. At ang bonus? Mayroon pa itong drawing ng larawan ni Maine. Nakakakilig talaga kaya naman abot-langit ang pasasalamat at katuwaan ng fans ng AlDub.
Narito ang nasabing tula para kay Maine na isinulat ni Leav:
“We were two old souls
Since time began—
Before light was measured
in years.
We are stars that fell
From glittering skies,
to find each other here.
Pagkatapos nga noon ay muling nag-tweet si Leav kay Maine at binati ito pati na ang bumubuo ng AlDub ng Happy Valentine’s Day.
Speaking of Maine, mukhang marami sa fans nila ang naniniwala na mukhang nagiging totohanan na ang nararamdamang pagmamahal ng Dubsmash Queen sa guwapong kapareha at hindi na basta aktingan lang.
Matapos na ipinalabas ang Valentine’s date nila ni Alden sa Kalyeserye ay kakaiba na raw ang glow sa mga mata ni Maine. Pati nga raw ang tulang ginawa at binasa ni Maine para kay Alden ay mahahalatang feel na feel nito.

Naririto naman ang ginawang tula ni Maine para kay Alden na kanyang binasa sa binata noong Valentine’s Day:
“Sino ka nga ba? At paano mo masasabi na ikaw ay naiiba? Ano nga ba ang papel mo sa mundong ito? “Ano nga rin ba ang papel mo sa buhay ko? Iyan ang mga bagay na tinatanong ko sa aking sarili.
“Madalas nga ay hindi ako mapakali. Sa dami ng bu-mabagabag sa aking isip. “May mga oras na sumasakit na ang aking dibdib. Sabi ng iba ay hindi ikaw ang karapat-dapat. Humanap daw ako ng iibig sa akin nang sapat.
“Kaya dapat daw akong maging maingat. Pero sino ba sila para magdikta kung sino ang karapat-dapat? “Inaamin kong ako’y takot mahulog sa isang tulad mo. Ngunit alam ko na darating ang araw na kinatatakutan ko.
“Pero ano nga ba ang magagawa ko. Tila ang loob ko’y unti-unting nahuhulog sa ‘yo. “Tinatanong ko ang aking sarili kung ikaw ba’y aking gusto.Ngunit ang isip ko’y nagsi-mulang magtalo. Maaaring hindi ang bulong ng isipan ko.
“Pero narararamdaman ko na sigaw ng puso ko ay oo. May mga oras na isip ko’y gulung-gulo. “Sapagkat hindi ko na malaman alin ba ang totoo. Hindi ko kailanman pinlano na magkagusto sa ‘yo.
“Hindi ko din alam kung tama bang sundin ang puso ko. Alam mo ba na mahirap kang basahin. “Kaya tila bang kay hirap mong mahalin. Sa takot na hindi mo ko kayang saluhin.
“Ayos lang basta kailanman wag mo akong lolokohin. Ninanais kong malaman ang tunay na nilalaman ng puso mo. “At magbakasakali kung pangalan ko ba ang sinisigaw nito. Nais kong malaman ang tunay kong halaga sa ‘yo.
“Pero ako ay natatakot na malaman ang totoo. Tila sa puso ko’y ikaw lang ang tanging nakikita. “Dapat na bang aminin a-king sinta? Tama bang sabihin sa iyo? Tamang panahon na lang ang hinihintay ng puso ko.”
Gaya ng inaasahan, naging trending na naman ang nasabing Valentine date nila noong Sabado, February 13. Kilig naman ang lahat na si Alden mismo ang nagmaneho ng kanilang sinakyan habang katabi nito si Maine sa passenger’s seat.
Bagay na bagay naman ang nagsilbi nilang background na Taal Vista Hotel kung saan makikita ang scenic view ng Taal Volcano na lalong nagpatingkad ng mala-rosas at romantikong paligid ng tambalang AlDub. naging memorable ang nasabing date hindi lang kina Alden at Maine kung hindi maging sa kanilang fans.