May 23, 2025
Rep. Manny Pacquiao receives flak for his remarks against LGBT community
Home Page Slider Latest Articles

Rep. Manny Pacquiao receives flak for his remarks against LGBT community

Feb 17, 2016

by PSR News Bureau

Photo grabbed from: |IG @mannypacquiao

Umani ng batikos ang naging pahayag ni Sarangani Representative Manny Pacquiao kahapon tungkol sa kanyang pananaw sa same-sex marriage. Ayon kay Pacquiao sa naging panayam sa kanya kaugnay sa kanyang pagtakbo sa senado, hindi ito pabor sa same-sex marriage. “Common sense lang naman yun. Nakakita ka na ba ng hayop na lalaki sa lalaki o babae sa babae? Mas mabuti pa yung hayop, marunong silang mangilala na ang lalaki ay para sa babae. Ngayon kung lalaki sa lalaki o babae sa babae, mas masahol pa sa hayop ang tao,” sabi ng 37-year-old na kongresista.

Sapat na ang tinuran na iyon ni Pacquiao para kaagad itong makapagpasiklab ng galit ng LGBT communities. Ilan sa mga nagbigay ng pahayag ay ang TV host at ang pinakasikat na gay celebrity sa ating bansa na si Vice Ganda. Sumagot ng sunod-sunod na Adidas Marathon Print 3d tweets si Vice sa kanyang Twitter account: “ “The LGBT is a group of people. We are humans, not animals. Though we’re no saints, we will pray for Manny Pacquiao.”

vice-vs-manny-2“May mga taong naka-attend lang ng prayer meeting, nakapagbasa lang ng Bibliya, higit pa sa Diyos ang turing sa sarili nila kung makapanghusga. Ang pagpatol sa parehong kasarian ay masahol pa sa hayop? E, ang pakikiapid Pes 2016 Slovakia Kits habang ika’y may asawa, anong kababuyan ito? Pakisagot Manny!”

“Manny di ka namin mapipigil kung gusto mong husgahan ang mga bakla sa mundo. Belstaff 2013 Siguraduhin mo lang na di ka namin makakasalubong sa impyerno.”

“Ang kailangan sa senado ay bihasa sa pulitika, sa batas, sa ekonomiya. Hindi Tênis Nike Tri Fusion Run Msl Preto bulaang propeta. Patawarin ninyo ako pero sa Diyos lang ako magpapahusga. Hindi sa boksingerong tumatakbo sa senado na apat na beses lang pumasok sa kongreso.”

Maging ang singer-actress na si Aiza Seguerra na kabilang sa mga unang Canada Goose Kensington Parka Uk Sale Filipino na nagpakasal ng same-sex marriage ay hindi nakapagpigil kay Pacquiao. Sabi ni Aiza: “I am so fuckin’ mad I don’t know what to say. You might’ve done our country proud but with your statement, you just showed the whole country why we shouldn’t vote for you. And yes, I think you are an ignorant, bigoted hypocrite. You made me lose all respect that I had for you, Mr. Pacquiao.”

Sabi naman ng komedyanteng si John Lapus, “I beg you my dear fellow Filipinos and of course, my fellow LGBT family, please don’t vote Manny…”

Pati ang international star at Broadway stage actress na si Lea Salonga, bagamat hindi ito masasabing miyembro ng LGBT community ay nagbigay rin ng kanyang saloobin. “Homosexuality is found in over 450 species. Homophobia is found only in one. Which one seems unnatural now?”

Hindi rin nakaligtas ang tinuran na statement ni Pacquiao dahil maging ang sikat na international blogger at isa sa naging judges ng Miss Universe 2015 na si Perez Hilton ay nagsulat ng kanyang statement sa kanyang blog ukol dito. Sabi Hilton:

“What?! Why do people have to compare homosexuality to animals? Why?? Look, if your religious beliefs prevent you from accepting same sex marriage, that’s you. That’s YOUR idea of propriety. But there’s absolutely no call to demonize and denigrate gay people by comparing them to animals just because their love is something you’re unable to accept.”

Humingi na ng dispensa at nag-sorry na si Pacquiao kaugnay ng nasabing isyu sa pamamagitan ng isang 47 seconder na Facebook video clip. Sabi ng kongresista:

“I’m sorry for hurting people by comparing homosexuals to animals. Please Nike Lunar Flyknit Htm Nrg Black forgive me for those I’ve hurt. I still stand on my belief that I’m against same sex marriage because of what the bible says, but I’m not condemning LGBT. I love you all with the love of the Lord. God bless you all and I’m praying for you.”

Leave a comment