
Michael Pangilinan’s alleged private video leaked online
by PSR News Bureau

Tila nagiging sunud-sunod na nabibiktima ang mga artista at kilalang celebrities na nagkakaroon ng lumalabas na sex video at nagiging viral. Pagkatapos pagpistahan ang mga naging sex videos diumano nina Joross Gamboa, Jason Abalos, Martin del Rosario at iba pa, ngayon naman ay ang singer at Harana member na si Michael Pangilinan naman ang sinasabing mayroong sex video.
In fairness kay Michael, ayon sa kampo nito ay inamin daw diumano nito na siya nga ang lalaking nasa nasabing video. Naging tapat daw ang singer sa kanyang sarili at sa publiko na siya nga ang lalaking nagpapaligaya sa kanyang sarili sa nasabing video habang may kausap itong babae online.

Ayon sa singer, bata pa daw siya nang mangyari iyon. Mga 3 years ago pa raw yun at kasagsagan pa ng kanyang pagiging ‘mapusok’ dahil mga 17-years-old pa lang daw siya noon. Aniya pa base sa naging panayam sa kanya, hindi daw niya alam na ilalabas ng kanayang kausap na babae ang nasabing pribadong video chat nila. Iyon daw yung mga panahong madilim pa ang mundo ni Michael at minor pa siya noon. Ito rind aw yung panahong nagrerebelde pa siya bilang bahagi ng kanyang kabataan.
Isang malaking leksiyon ang kanyang natutunan dahil sa maling nagawa niya noong mga panahon na iyon na dahilan kung bakit isa siyang biktima ngayon ng malaswang sex video. Ang mas mahalaga ay mayroon ng direksiyon ang buhay niya ngayon. Mas may disiplina na rin daw siya sa sarili at kinikilala na muna niya ang mga puwede niyang pagkatiwalaan.