May 23, 2025
Boy Abunda slams Manny Pacquiao for his statement against LGBT
Home Page Slider Latest Articles T.V.

Boy Abunda slams Manny Pacquiao for his statement against LGBT

Feb 17, 2016

by PSR News Bureau

boy abunda3
Photo grabbed from: IG @twbaofficial

Matapos mag-react ang kapwa miyembro ng LGBT community, hindi rin napigilan ng TV host na si Boy Abunda na magbigay ng kanyang saloobin tungkol sa naging statement ng Pambansang Kamao at Sarangani Representative Manny Pacquiao kung saan sinabi nitong mas masahol pa sa mga hayop ang same-sex marriage. Kinuwestiyon ni Abunda si Manny para manghusga ito. Open-book sa publiko ang buhay ng magaling na TV host na mayroon itong lifetime partner at kinakasama, si Bong Quintana. Kilala rin ito bilang tagapagtanggol ng mga LGBT community. Kaya naman sa sarili nitong palabas na Tonight with Boy Abunda ay hindi nito nagawang itago ang kanyang nararamdaman.

Nauna nang nagsalita ng kanilang mga opinyon, reaksyon at saloobin sina Aiza Seguerra, Vice Ganda, Lea Salonga, John Lapus at maging ang international blogger na si Perez Hilton kaugnay ng sinabi ni Pacquiao.

Bago pa man nagsalita si Abunda ay sinabi na niyang ang kanyang sasabihin ay pawang sariling opinyon at walang kinalaman ang pamunuan ng ABS-CBN sa nasabing isyu. Inaako ng TV host ang pananagutan sa kanyang sasabihin. Aniya, labis daw siyang nasaktan sa sinabi ng kongresista lalo pa’t sobra ang kanyang paggalang dito. Hindi daw niya alam kung ano ang naging pamantayan ni Pacquiao at nasabi niya ang mga iyon. “Kung ang tao ay nanakit, kung ang tao ay nangyuyurak ng karapatan ng ibang tao, mas

Photo grabbed from: IG @twbaofficial
Photo grabbed from: IG @twbaofficial

gugustuhin ko
na pong maging hayop. Kung ang hayop ay gumagalang at nagmamahal, then I am an animal,” sabi ni Abunda sa kanyang palabas.

Ikinokonsidera daw na isang national hero si Pacquiao pero sa kanyang binitawan na mga salita ay sadyang labis na nasaktan ang TV host. Naniniwala si Abunda na lumagpas na ito sa kanyang hangganan pagka’t below the belt na ang kanyang sinabi laban sa LGBT group. “Hindi ako papaya, Manny. If you’re watching, na natawag mo akong masahol pa sa hayop, I am low than an animal? Manny, sino ka? Sino ka para manghusga?,” himutok ng magaling na TV host.

Ayon pa kay Abunda, hindi tumitigil ang LGBT group na ipaglaban ang kanilang mga karapatan bilang tao.

Bilang pagtatapos ay muling bumuwelta ito at ibinalik ni Abunda kay Manny ang kanyang kasagutan, “Palagay mo ba iboboto ko ang isang tao na ang tingin sa katulad ko ay masahol pa sa hayop?.”

Leave a comment

Leave a Reply