May 24, 2025
Gloria Diaz isn’t ready yet for her daughter’s marriage
Faces and Places Home Page Slider Latest Articles

Gloria Diaz isn’t ready yet for her daughter’s marriage

Feb 18, 2016

by PSR News Bureau

gloria-diazAyon sa nakalap naming balita, hindi pa raw handa ang aktres at former Miss Universe 1969 na si Gloria Diaz na magpakasal ang kanyang anak na aktres na si Isabelle Daza sa fiancé nitong French national na si Adrien Semblat. Isiniwalat ito ng aktres nang makapanayam ito sa programang Bandila sa ABS-CBN. Aniya, hindi naman daw ito sa dahil hindi siya boto kay Adrien para sa kanyang anak na dalaga. Wala nga raw siyang pagtutol sa relasyon ng anak at ng binata. Pero sa palagay daw kasi niya, masyado pang maaga upang lumagay sa tahimik ang anak. “Parang gusto ko pang tumawad. Pwede bang pag 30 years old na lang at saka siya ikasal?,” sabi ni Gloria. Si Isabelle ay 27 years old pa lamang. Ang tingin daw niya ay masyado pang bata ang anak para mag-asawa. Kung siya daw ang masusunod ay mas gugustuhin nitong maghintay pa sina Isabelle at Adrien ng ilang taon pa para mas makilala nila ang isa’t-isa. Anim na taon nang magkarelasyon sina Adrien at Isabelle.

gloria
Photo grabbed from:www.angelopedia.com

Si Adrien ang country manager ng isang sikat na brand ng sporting goods dito sa Pilipinas. Nagkakilala sina Isabelle at Adrien dahil sa isang common friend. Dahil likas na parehong may interest sa sports kung kaya’t agad silang nagkasundo sa maraming mga bagay. Ayon kay Isabelle, nakapag-desisyon na sila ni Adrien na dito sila sa bansa maninirahan. Wala rin daw balak si Isabelle na talikuran ang pag-aartista kahit pa mag-asawa na siya. Naiintindihan naman daw ito ni Adrien.

Pero sa huli, inamin din ng dating beauty queen na wala siyang kontrol sa magiging desisyon ng kanyang anak at inirerespeto daw niya ito.

“Hindi lang ako makakaimik. It’s not my choice. Gusto ko sanang mag-suggest na, ‘Why not get married when you turn 35?”

Tanggap naman daw ni Gloria na malapit ng mag-asawa ang anak. Hindi nga lang ang magiging kasal ni Isabelle at Adrien ang nalalapit na kasal sa kanilang pamilya dahil maging ang pamangkin niyang model na si Georgina Wilson [pinsan ni Isabelle] ay ikakasal na rin at engaged na sa boyfriend nitong isang British national. Nakatakda namang ikasal si Georgina sa buwan ng April nitong taong kasalukuyan. Samantalang si Isabelle ay nakatakdang ikasal sa pagtatapos ng taong kasalukuyan.

Leave a comment

Leave a Reply