May 24, 2025
Barbie Forteza does not mind being deglamorized in “Laut”
Latest Articles

Barbie Forteza does not mind being deglamorized in “Laut”

Feb 22, 2016

Archie liao

by Archie Liao

laut posterPanibagong hamon sa Kapuso actress na si Barbie Forteza ang kanyang role sa “Laut”, ang pinakabagong obra ng awrd-winning director na si Louie Ignacio.

Ayon kay Barbie, marami siyang hirap na pinagdaanan habang ginagawa ang pelikula tungkol sa mga Badjao na na-displaced ng digmaan sa Mindanao at nabubuhay sa isang komunidad sa Pampanga.

“Karamihan nang nakikita ninyo sa pelikula, talagang kinunan namin sa Pampanga. Totoong merong mga Samal Laut. Iyong kultura nila, na-imbibe namin habang nagsho-shoot kami”, bungad ni Barbie.

Dagdag pa ng award-winning actress ng “Mariquina”, nakasalamuha nila ang minority tribe habang ginagawa nila ang pelikula.

“Iyong baho, iyon dumi ng paligid, talagang naranasan namin dahil doon mismo kami nag-stay sa kanila. Iyong wala silang palikuran, ganoon talaga sila. Iyong iba nga walang knowledge. Iyong iba, hindi alam ang edad nila, iyong iba ang pangalan nila, first name lang. Hindi nga sila mga botante kaya wala silang tulong na natatanggap sa pamahalaan. Tapos, napipilitan silang magpalimos, iyong iba, magnakaw”, kuwento ni Barbie.

Ano ang mga bagay na natutunan mo sa pakikisalamuha mo sa kanila?

“ Iyong kultura ng mga Badjao. Nagulat nga ako na ganoon pala sila, lalo na iyong mga babae na kapag may mens na ay nag-aasawa na. Tapos, meron silang dowry system kung saan ang babata noong mga babaeng ikinakasal,”bulalas niya.

Para maging makatotohanan ang kanyang itsura, pinaitim si Barbie sa pelikula para sa kanyang papel bilang Nadja.

“Hindi naman lagi na nakakakuha ka ng ganitong role. Iyong karakter ko, mature siya na ibang-iba sa mga ginagawa ko sa “That’s My Amboy” at sa iba ko pang roles kaya happy ako na nabibigyan ako ng mga kakaibang roles tulad nito”.

Okey lang kay Barbie na ma-deglamorize o magmukhang dugyot at marusing sa “Laut” dahil iyon ang kailangan ng role niya at para na rin sa ikagaganda ng pelikula.

Ano ang pinakamahirap o pinaka-challenging na eksena para sa iyo sa pelikula?

“Para sa akin, iyong simula ang pinakamahirap at pinaka-challenging kasi doon ka nag-e-establish ng character mo. Gusto ko na nandoon agad ako sa character at challenge para sa akin kung paano ko masu-sustain iyong character niya hanggang katapusan”, sey niya.

Ano ang iba mo pang karanasan sa pakikisalamuha sa mga Samal Laut?

“Actually, mababait naman sila. Nagulat nga ako nang malaman kong kilala nila akong artista na napapanood sa “Half Sisters”. Lumalim ang pang-unawa ko sa kanila kaya proud ako na gumawa ng pelikula na dedicated sa kanila at tungkol sa buhay nila”.

barbieIpinakita sa pelikula na ang pamamalimos ay hanapbuhay para sa kanila. Ano ang “stand” mo tungkol sa pamamalimos at pagbibigay ng limos?

“Kailangan talaga nila ang pang-unawa. Naiintindihan ko sila kung bakit kailangan nilang gawin iyon. Kailangan din nilang mabuhay. Sana, maging instrumento ang pelikula para matulungan sila ng pamahalaan”, aniya. “Sa kaso ko, I will still give money hindi dahil kinukunsinti ko sila but it’s out of compassion dahil sa kalagayan nila iyun lang ang kaya nilang gawin “, pahabol niya.

Dugtong pa ni Barbie, sa role niya bilang Nadja ay ipinakikita rin sa pelikula ang tungkol sa women empowerment kahit sa mga liping minorya.

“May choice tayo na piliin kung ano ang makapagpapaligaya sa atin, tulad ng character ni Nadja. Alam niyang hindi na siya maligaya sa piling ng kanyang tamad at iresponsableng asawa kaya hiniwalayan niya ito. Kahit ako, okey lang na pagtrabahuhan ko iyong dowry na naibigay sa akin para makabayad at maibalik iyong kalayaan ko”, pagtatapos ni Barbie.

laut stillAng “Laut’ ay opening film ng ongoing 3rd Singkuwento International Film Festival sa NCCA sa Intramuros, Manila at sa UP Cine Adarna sa Diliman, Quezon City.

Mula sa BG Films, ang “Laut” ay mula sa panulat ni Carlo Enciso Catu ng “Ari: My Life with the King” with Ms. Baby Go, Dennis C. Evangelista, Romeo Lindain and Ferdinand Dizon Lapuz as producers.

Kasama rin sa cast sina Jak Roberto, Anna Capri, Gabbi Garcia, Ronwaldo Martin, Felixia Dizon , Perla Bautista, Erika Yu,Carl Acosta, Rico Barrera, Norman “Boobay” Balbuena, Ezekiel Jash at marami pang iba.

The interviews were done last Friday, February 19 during the opening of 3rd Singkuwento International Filmfest and world premier of Laut.

For your comments/reactions write to artzy02@yahoo.com.

Leave a comment

Leave a Reply