
Richard Gutierrez wants to make his mark as the new “Panday”

Nahaharap sa panibagong hamon ang Ultimate Primetime King na si Richard Gutierrez sa kanyang bagong fantaseryeng “Panday” na kathang-isip ng batikang comics novelist na si Carlo J. Caparas.
Marami nang naging bersyon ang “Panday” sa pelikula at telebisyon, ano ang ginawa mong atake para maging kakaiba ito sa mga nagawa na at napanood na ng publiko?
“Actually, ang pinanood ko lang noon ay iyong “Panday” ni FPJ, iyong original. Napanood ko rin iyong “Panday” ni Senator Bong. Gusto kong gumawa ng sarili kong bersyon at sa kuwento kasi ng bagong “Panday”, malayo siya sa mga characters noong ibang Panday ,so gumagawa talaga kami ng bersyon na hindi pa napapanood ng mga tao”, paliwanag ni Richard.
Paano nakakatulong sa pagiging actor mo ang paglabas mo sa mga superhero roles tulad ng “Panday”?
“Madami. Kasi ang pagiging superhero, very complex iyong mga characters na ipino-portray. It’s very challenging not only personally but also emotionally. There’s also a lot of pressure ,kasi you have to meet expectations. I have to be prepared because there’s a lot of things that are at stake”, aniya. “Iyong karakter, hindi lang isa rito. Besides, when you get to play different roles kahit anong genre pa iyan, lumalawak ang ‘range’ mo as an actor”, pahabol ni Richard.
Sa iyong sariling konsepto, ano ang isang superhero?
“Simple lang. Ang superhero ay iyong tumutulong sa kanyang kapuwa sa abot ng kanyang makakaya”.
Sino ang superhero sa buhay mo?
“Lahat ng Pinoy na nakatutulong sa kanyang kapuwa at malinis ang puso na tumutulong ng walang kapalit”, sey niya. “Sila rin iyong inspirasyon ko sa buhay tulad ng pamilya ko”, dugtong niya.
Napanood ng anak mong si Zion ang pilot episode ng “Panday”, ano ang mga expectations niya sa kanyang Dad bilang superhero?
“Hindi ko pa masabi pero alam kong nag-enjoy siya noong pinanonood niya. Pero, pag may bonding time kasi kami, nanonood kami ng movies like “Spiderman” na favorite niyang superhero.”
Ayon pa kay Richard, marami siyang hirap na pinagdaanan bilang paghahanda sa kanyang role as the new “Panday”.
“Siyempre, I have keep fit and lose some weight. Talagang pinaghandaan ko ito physically and mentally kahit pa noong Christmas at New Year. I’m still working and preparing for it dahil nae-excite ako kung ano pa ang puwede naming i-offer sa mga televiewers”,pagtatapos ni Richard.

Isang karangalan para kay Richard na gawin ang “Panday” na in-immortalize ng yumaong Hari ng Pelikulang Pilipino na si Fernando Poe, Jr. na para sa kanya ay dream role ng kahit sinong actor.
Happy din siya na maging bahagi ng isang teleserye na ma-eenjoy hindi lang ng mga bata kundi ng buong pamilya.
Mula sa direksyon ng magaling na director na si Mac Alejandre, kasama rin ni Richard sa cast sina Christopher de Leon, Jasmine Curtis-Smith, Sam Pinto, Bangs Garcia, Regine Tolentino, Alonzo Muhlach, Epy Quizon, CJ Caparas, Ranz of Chicser, Ara Mina, John Regala at maraming iba pa.
Ang “Panday” ay aariba na sa primetime sa Pebrero 29 sa TV 5.
For your comments/reactions write to artzy02@yahoo.com