
Jasmine Curtis says she’s not insecure of Viva talents
by Archie Liao

Gustong linawin ni Jasmine Curtis na hindi siya insecure sa pagpasok ng mga Viva talents sa TV5.
Si Boss Vic del Rosario na kasi ang entertainment strategist ng mga entertainment shows ng TV 5 at hindi naman kataka-taka kung may mga Viva talents na kasama sa mga bagong shows ng Kapatid network.
“Actually, hindi na issue sa akin iyan. I just finished my TV series na “My Fair Lady”. Ganoon naman talaga, one year you have a show, another year you have to lie low. It’s actually a seasonal thing,”aniya.
Prinsesa ka ng TV5, hindi ka ba na-fru-frustrate sa takbo ng career mo?
“Just because you have the title, it doesn’t mean naman na puwede ko nang angkinin ang mga shows sa TV5. Ang daming talents sa TV5 at naiintindihan ko na kailangan din nilang bigyan ng mga trabaho”, sey niya.
Ano ang plano sa iyo ng TV5 sa pagbabagong-bihis nito?
“We just sat down and had a meeting. We have a good communication naman. We’re also asking what’s next. Never naman naging isyu na Viva was coming in. I have been a part of Viva before until my contract with them expired. Si Boss Vic naman was ever supportive and never left me. Even my manager used to worked with Viva. May mga plano sila pero it’s too early to divulge”, bulalas niya.
Itinanggi rin ni Jasmine na may balak siyang mag-ober da bakod sa Dos.
“The fact that I’m still here and doing “Panday” means I’m here to stay”, paglilinaw niya.

Inamin din ni Jasmine na gusto niyang makasama sa isang proyekto ang kanyang Ate na si Anne Curtis.
“Kung may magandang project, why not? Pero, hindi ko naman kailangang i-push as in now na. Siyempre, it also needs time. If it comes around, it comes around”, pagwawakas ni Jasmine.
Papel ni Lexis na mula sa third world na magtuturo kay Richard na lumaban sa mga kaaway ang role ni Jasmine sa “Panday”.
Honored si Jasmine na mapasama siya sa cast ng “Panday” at pagkatiwalaan ng mag-asawang Carlo J. Caparas at Donna Villa at Boss Vic del Rosario ng Viva Communiations at ng TV5 ng isang mahalagang papel sa “Panday” bilang isa mga leading ladies ni Richard.
Powerhouse cast ang “Panday” dahil bukod kay Jasmine, tampok din dito sina Christopher de Leon, Sam Pinto, Bangs Garcia, Regine Tolentino, Alonzo Muhlach, Epy Quizon, CJ Caparas, Ranz of Chicser, Ara Mina, John Regala, Empoy at maraming iba pa.
For your comments/reactions write to artzy02@yahoo.com