
Aljur Abrenica enjoys doing indie films
by Archie Liao

Ganadong gumawa ng mga indie films ang Kapuso hunk actor na si Aljur Abrenica.
Katunayan, sunud-sunod ang mga ginagawa niyang pelikula sa direksyon ng iba’t-ibang magagaling na director.
Isa siya sa mga bida sa pelikulang “EDSA” kung saan isang snatcher ang kanyang papel na nabago ang pananaw nang makilala niya ang isang nars na nagligtas sa kanyang buhay na binibigyang buhay ni Kris Bernal.
Happy din si Aljur na reunited siya sa kanyang paboritong screen partner na si Kris.
“Talagang na-miss ko ang pakikipagtrabaho sa kanya, kaya na-excite nga ako noong malaman kong magkasama kami sa isang pelikula kahit na nagkatrabaho na kami sa isang episode ng Karelasyon”, sey ni Aljur.
Honored din si Aljur na makagawa siya ng isang makabuluhang pelikula tulad ng “EDSA” na sadyang ginawa upang ipaalala ang kahalagahan ng tunay na diwa ng EDSA revolution sa buhay ng mga Pinoy lalo na sa mga millenials na hindi ito naranasan.
“Personally, gusto ring maging bahagi ng kasaysayan kahit man lang sa mga pelikulang ginagawa ko”, aniya.

Dagdag pa ni Aljur, hindi niya naranasan ang People Power noong 1986 dahil bata pa raw siya noon at walang muwang pero naniniwala raw naman siya sa mga ipinaglalaban ng mga taong lumahok sa makasaysayang EDSA revolution noon.
Bukod sa EDSA, bida rin si Aljur sa historical movie na “Ang Hapis at Himagsik ni Hermano Puli” na tungkol sa bayani ng lalawigan ng Quezon na si Apolinario de la Cruz aka Hermano Puli na nagtayo ng Kapatiran at nag-aklas sa mga Kastila noong 1841 upang ipagtanggol ang kalayaan ng kanyang bayan.
Ito ay sa direksyon ng award-winning veteran director na si Gil Portes na tubong Tayabas, Quezon.
Sa nasabing pelikula, personal choice siya ni Direk Gil na gumanap bilang Hermano Puli dahil noon pa mang plinaplano ang proyekto ay talagang naglaan na ang aktor ng panahon para pumunta ng Quezon para magsaliksik sa buhay ng naturang bayani.
Magkasunod na historical movies ang mga ginawa mo. Sinadya mo ba ito?
“Actually, iyong EDSA, hindi naman siya historical. Iyong Hermano Puli ang historical. Happy lang ako na nabibigyan ako ng mga ganitong klaseng roles na hindi ko pa nagagampanan at hindi nangyayari sa akin sa TV”, bulalas ni Aljur.
Kasama ni Aljur sa pelikula si Louise de los Reyes na dating na-link sa kanya noon.
Nasa cast din nito ang kanyang mga kapatid na sina Vin at Allen na introducing sa pelikula.
Tapos na rin ni Aljur ang “Expressway” ni Ato Bautista kung saan kasama niya si Alvin Anson. Ito ay kalahok sa darating na 2nd Sinag Maynila Film Festival sa Abril.

Masaya rin si Aljur dahil okey na ang relasyon niya sa GMA Artist Center at GMA management pagkatapos ng pinagdaanan nitong kontrobersya.
Wish pa ni Aljur na makagawa ng marami pang pelikulang magpapatingkad ng kanyang galing bilang isang aktor.
For your comments/reactions write to artzy02@yahoo.com