
Kiko Matos tackles his first gay role in “Straight to the Heart”
by Archie Liao
Ikalawang Cine Filipino entry ni Kiko Matos ang pelikulang “Straight to the Heart”, ang directorial debut ni David Fabros.
Una na siyang napanood noon sa “Bingoleras” ni Ron Bryant kung saan meron siyang importanteng papel.
Sa ikalawang edisyon ng Cine Filipino, isang nakakaaliw na Kiko ang mapapanood sa “Straight to the Heart” kung saan kakaibang gay role ang ginagampanan niya.
“It’s actually different from the characters na nagampanan ko na. It’s both a screaming faggot and a ‘paminta’ type kasi may backstory siya na he used to be a macho na naging lover ng kanyang boss who is gay. Iyong character ko kasi wants to become a woman but in the process he’s trying to figure out for himself kung ano ang identity niya dahil dati siyang straight na pakonti-konti, he is transcending into a woman ”, kuwento ni Kiko.
Hindi ka ba naasiwa o nanibago dahil first time mong gaganap ng gay?
“Actually hindi. Kasi isa sa mga roles na gusto kong gampanan ang gay role. Noon pa kasing naghahanda ako, pinag-aralan ko na siya. I always wanted to play a gay role. I really want to be a drag queen in the movies. Challenging din siya sa akin kasi, it’s hard to play gay roles, especially if you are straight”,aniya.
Ano ang karanasan mo sa pakikipagtrabaho sa mga gay actors like Vince de Jesus and Ricci Chan?
“Enjoy ako kasi, nakaka-challenge silang katrabaho. Kapag kaeksena mo kasi ang isang Vince or Ricci Chan, you have to be flamboyant. Kailangang sabayan mo iyong energy nila or else, you will be left out. Tapos, nakaka-drain din siya ng energy dahil kailangan mong i-sustain iyong character mo mula simula hanggang katapusan”, pagtatapat ni Kiko.
Sino ang naging peg mo sa pagganap mo?
“Si Angelina Jolie ang naging peg ko para feeling beautiful”, sey niya.
Bilang paghahanda sa kanyang role, aminado si Kiko na nahirapan siya sa kanyang preparasyon.
“Nag-shave ako ng hair. Nagpa-wax ako. Masakit siya pero kailangang tiisin dahil kailangan sa pagpo-portray ng role”.
Sa pagganap mo bilang isang gay, ano ang mga bagay na natutunan mo?
“Siyempre iyong respeto sa kanila. Iyong journey na pinagdadaanan nila. Iyong magagandang katangian nila like iyong pagiging creative nila sa kabila ng kanilang orientation. Iyong role at contribution nila sa society natin”, pagwawakas ni Kiko.
Ang “Straight to the Heart” ay isang sexy, gender-bending movie tungkol sa isang gay hairdresser na nagka-coma nang maaksidente at nang magising ay nadiskubre niyang isa siyang straight guy na magbibigay ng kumplikasyon sa kanyang buhay.
Bukod kay Kiko, tampok rin sa cast sina Carl Guevarra, Gwen Zamora,Vincent de Jesus, Ricci Chan, Nico Antonio, Pinky Amador at marami pang iba.
Kalahok sa 2nd Cine Filipino film festival, ito ay mapapanood sa mga piling sinehan mula Marso 16 hanggang 22.
For your comments/reactions write to artzy02@yahoo.com.