May 24, 2025
Urian award winning actress Angeli Bayani talks about her film “Ned’s Project”
Latest Articles

Urian award winning actress Angeli Bayani talks about her film “Ned’s Project”

Mar 14, 2016

Archie liao

by Archie Liao

ned's project posterMalaking hamon sa Urian-award winning actress na si Angeli Bayani ang kanyang role sa “Ned’s Project”, kalahok sa full-length features category ng ikalawang Cine Filipino Film Festival.

Ang “Ned’s Project” ay tungkol sa isang lesbyanang tattoo artist na sumali sa isang talent reality show sa kagustuhang magkapera para mabuntis siya sa pamamagitan ng artificial insemination at matupad ang pangarap niyang maging ina.
First time mong gumanap ng lesbyana. Kumusta ang karanasan? Hindi ka ba nanibago?

“Yes, first time ko iyon. Okey naman. I just had to learn how to walk differently and assume the mannerisms of a butch lesbian”.

Nagpa-tattoo ka ba para sa role mo rito bilang tattoo artist?

“Hindi ako nagpa-tattoo. Spray paint ang ginamit namin”.

Sino ang naging peg mo sa pagganap mo bilang lesbyana?

“Merong totoong Ned at siya ang naging peg ko”.

May mga kissing scenes o intimate scenes ka ba rito with the same sex?

“Yes, may mga kissing at intimate scenes ako sa film”.

Ano ang personal na karanasan mo kay Ned?

“Masaya naman. Mabait siya and very excited about the film. Very supportive din and very open siya sa personal life niya”.

What’s your take on artificial insemination? Sa mga lesbians na gustong magkaanak through artificial insemination?

“Wala naman akong opinion about artificial insemination. I just think maganda na may option na ganun not just for lesbian partners but also for heterosexual couples who have difficulties with getting pregnant”.

Are you a Catholic?

“Yes, I’m a Catholic.”

angeli bayani stillsKung ikaw ay isang lesbian at gusto mong magkaanak, ano ang pipiliin mo: ang mag-ampon o magkaroon ng anak through a sperm donor or through artificial insemination?

“Depende sa circumstances. Pareho namang magandang option. When you adopt, you’re giving the child a chance for a better future kung galing sya sa less than fortunate circumstances. Kung pipiliin ko namang mabuntis, I would do it the natural way for the simple reason na mahal ang artificial insemination.”

Do you think procreation could also be a project na puwede kang pumili kung sino ang gusto mong maging father ng anak mo? At ano ang masasabi mo rito?

“ Yes, I suppose it could. And why not? It’s the same naman if you want to have a baby with a particular person. Option mo na lang if you want to do it the natural way or through insemination”

Sa palagay mo, paano tatanggapin ang pelikula mong “Ned’s Project” ng simbahan at ng LGBT community?

“Honestly hindi ko masyado inisip kung paano sya tatanggapin ng simbahan o ng LGBT community. Mas inintindi ko ‘yung kwento ng totoong Ned.”

Ang “Ned’s Project” ay mula sa direksyon ni Lemuel Lorca ng “Intoy Shokoy ng Kalye Marino”, “Mauban, ang Resiko” at “Waterlemon”.

angeli stills 2Kabituin ni Angeli rito sina Max Eigenmann, Biboy Ramirez, Ana Abad Santos, Lui Manansala, Dionne Monsanto, TJ dela Paz, Kints Kintana, Joshua Bolot, Star Orjaliza, Tomas Miranda at marami pang iba.

Kalahok sa 2nd Cine Filipino film festival, ito ay mapapanood sa mga piling sinehan mula Marso 16 hanggang 22.

For your comments/reactions write to artzy02@yahoo.com.

Leave a comment

Leave a Reply